Chapter 9

38.1K 1.4K 639
                                    

Chelsea Jane's POV

"Sabay sabay na tayong pumunta sa precinct"

"Body guards are on standby"

"Be alert, everyone"

Araw na ng halalan. Kasalukuyan naming nakasakay sa van papunta sa presinto kung saan kami buboto. Umuwi galing Spain ang aking Kuya Alejo (His real name is Alexis but since we grew up in Spain, they translated Alexis into Alejo) to support my Dad during the campaign. Kasama ko rin ang aming nakakabatang kapatid kong si Alexandra na nasa tamang edad na para bumoto. She's 19, I am 28, while my Kuya Alejo is 35.

Pagkarating namin doon ay napakaraming tao at press ang nagaabang. Pero dahil sanay na kami at alam namin ang rules, hindi kami nag-entertain ng mga tao—unless kakilala talaga namin sila.

During elections, there is this specific time and date where you can campaign all you want. Pero 3 days before the voting day, all campaign materials; signages, trucks na may speakers, or even the officials ay dapat tumigil na sa pagkakampanya. At kapag sa araw na mismo ng halalan, a candidate should not act like he or she is campaigning when he is in the precinct; things like greeting and hand shaking people, putting your hands up and waving when u are about to enter and leave the premises.. things like that.

Habang finifill-up ko yung balota ko, hindi ko sinasadyang makita ang pangalan ni Bridgette Yuzon-Alcantara sa balota.

I cant help but close my eyes and hold my chest. There's this familiar ache again.

Simula noong may mangyari saamin, hindi kona ulit siya nakita. Balita ko nga she even cancelled all of her appointments and meetings the week after. Ni magparamdam man saakin, wala. Natawa nga ako. Ano pa bang bago? Parang basahan lang na ginamit at itinapon.

Binuksan ko ang aking mga mata at gawin ang dapat kong gawin.

Matapos naming bumoto ay umuwi na kami sa mansion.

"Kuya naman e!!" reklamo ni Alex noong pinagyayakap siya ni Kuya at pinanggigilan sa braso

"Dad oh! Nagrereklamo na si Alex" at saka nito mas lalong niyakap ng mahigpit, "Ayaw mona magpayakap ah!! Ano may boyfriend kana no???"

"Ih kuya anong pinagsasasabi mo" at pilit itong kumakawala sa yakap

"sali ako!!!" sabi ko at nakisali sa pagyakap kay Alex. Hahaha! Pulang pula na ang mestiza niyang mukha e.

"Namiss ko kayong dalawa" paglalambing naman ni Kuya. Lumaki kaming tatlo na close sa isa't isa.. syempre minsan mayroon ding mga away noon pero madalas naman ay nagkakasundo.

"Ikaw, CJ? Wala ka bang balak mag-boyfriend?" Baling naman nito saakin. CJ - Chelsea Jane

Bigla ko namang naisip si Bridgette at hindi ko maiwasang hindi mamula. Kuya hindi boyfriend e.

"Aba! Namumula ka! May boyfriend kana!" paguusisa nito saakin at sinusundot pa ang tagiliran ko.

"Kuya, vegetarian ako.. remember? I only eat pechay, I don't eat meat" saka ko pinalo ang kamay niya na sundot ng sundot.

"So.. may girlfriend ka ngayon?" tanong nito at tinaas-taas pa ang kilay..

"W-wala" sagot ko agad at tumayo. "Hindi paba tayo kakain? Gutom na ako" pagiiba ko sa usapan at naglakad papuntang dining area.

"CJ! Makikilala ko din yan! Humanda ka!" rinig ko pang pangaasar ni Kuya at sunod na ininis ulit si Alex.

I thought it was supposed to be a family lunch pero dumating pala ang mga kasamahan ni Papa. So in the end, naging big salu-salo ang nangyari sa bahay which is okay lang naman. Kwela din naman ang mga ito dahil mangilan-ngilan sa team ni Papa ay gays; karamihan ng mga ideas sa campaign ay nanggaling sakanila which really helped Papa this election. Daming pasabog e.

Bigla kong naalala yung plan ng parents ko to have a vacation abroad right after the election—manalo or matalo man, we will all take a break from politics. Kasama din namin doon ang family ni Kuya Alejo ofcourse.

Pero confident ang partido ni Papa na mananalo silang dalawa ni Bridgette dahil hindi naman gaanong matunog ang pangalan ng mga kalaban.

The next day, we were in this indoor hall wherein there's a live feed of counting of votes. 50% palang ang nata-tally as of today and target nilang matapos ang mga balota ngayong araw din.

Syempre, present ang lahat ng partido ni Papa—which means Bridgette is here.

May nagbago sakanya—lalo siyang gumanda. Hindi pa kami nagkaroon ng interaction magsimula nang pumasok ako dito sa hall.. which saddens me.

Kumirot nanaman yung puso ko with the thought na, baka nga wala lang talaga sakanya yung nangyari. Baka pampalipas lang ako ng init ng katawan. Tangina.

I'm not yet sure with my feelings for her pero one thing is for sure, I like her. A lot.

I decided to go outside the hall para maka-ihip ng sariling hangin. Ang hapdi ng dibdib ko, nakakasuffocate.

Nandito ako sa harap ng hall, nakatayo at nakatingin sa paligid. Maraming sasakyang naka-park, may mga tao din dito sa labas pero mangilan-ngilan lang dahil halos nasa loob sila.

"A penny for your thought?"

Nagulat ako at hindi kona kailangan pang lumingon para malaman kung sino ba 'yon. I looked at her and smiled a little and nodded—acknowledging her presence.

"Kamusta kana?" tanong nito.

"Okay lang," tipid kong sagot.

Namayani ang katahimikan. Nagpapakiramdman.

"Look, I'm sorry for leaving that night.." pagsisimula nito at humarap saakin. "Hey" pagpukaw nito sa aking atensyon at hinawakan ako ng bahagya sa braso. Tila ba isa akong porcelana na dapat ingatan.

"Don't worry about it.. I understand" tipid kong ngiti dito, "may asawa ka" at umiwas ako ng tingin.

"No its not like that" sagot naman nito at tinangkang hawakan ang mga kamay ko pero agad akong umatras.

"Huwag kang magalala naiintindihan kita. Nadadala ka lang sa bugso ng damdamin mo.. sinasabi mo ang mga bagay na alam mong gusto kong naririnig para makuha ako.. which you succeeded. Ako naman tong si Gaga, naniwala" natatawa kong lintaya sakanya

"Come on, Chelsea" she looks like she's helpless. Sinubukan niya ako muling hawakan pero bago pa man ako umatras ay harurot ng motor at putok ng baril ang narinig ko.

Nanlamig ako bigla noong nakita ko ang dalawang taong nakasuot ng helmet na nakasakay sa motor at nakatutok ang baril saakin.

Isa lang naman salita ang pumasok sa utak ko: Tangina.

"Chelsea!!!!" tili ni Bridgette ang narinig ko pagkatapos at bigla akong bumagsak sa mga braso niya.

Nanlamig ang katawan ko, na-shookt ako e. Parang nasa isang teleserye ako.

Magandang mukha lang ni Bridgette ang nakikita ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko na hawakan ang mga pisngi nito na may mga luha na na dumadaloy.

Iba't ibang sigaw, pito, yabag ng mga paa at mga tunog ang narinig ko.

"Please Chelsea don't close your eyes baby please"

Yan ang mga katagang binitawan ni Bridgette bago nagdilim ang aking paningin.

HOY KINDLY LIKE & LEAVE A COMMENT NAMAN KAYO JAN MGA SIS

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon