Chapter 16

1.2M 25.3K 10.6K
                                    

Chapter 16

Alys' Point of View

-/////-

Wala na..

Wala na..

Wala na ang pagkababaeng iningatan ko sa loob ng 17 years!! Waaah! Nilapastangan ang pagkababae ko, ang pagkatao ko!!

"Waaah!!" pinagpapalo ko kung sinuman ang kasama ko ngayon.

Leshe!! Nakakainis! Nakulong na nga ako at lahat dito, tapos bigla pang may susulpot na kung sinuman 'to at mahahawakan ang boobs ko??! Ano ba namang gabi 'to! Puno ng kamalasan!!

"Aish," narinig kong nagsalita yung kasama ko. Tunog lalaki. Lalaki ang kasama ko!! Waaah! Na devirginized ako!! Huhuhu.

"S-sino ka ba?" tanong ko. Sino ba 'tong kasama ko?? Kailangan ko man lang malaman kung sino ang sasabihin ko pag tinanong kung sino ang first time ko. Waaah! Ano ba 'tong naiisip ko!! Nahawakan niya lang yung-- waaaah!! Ayokong isipin!! Daddy!!

"Tsk," narinig kong sabi niya tapos naupo yata siya sa medyo tabi ko, naramdaman ko kasi.

*poke poke*

"Uy, sino ka nga??" ang kulit kulit ko. Sorry naman kasi halos mag iisang oras na yata ako dito sa stock room na 'to! Kainis talaga yang Like Girls na yan!! At bakit naman kasi tatanga tanga ako at napasok ako sa loob nito? Kaasar!!

"I'm.. whatever."

Sinundot sundot ko siya sa gilid, "siguro ikaw yung pinakapanget sa St. Claire's High kaya ayaw mo magpakilala noh?? Sus! Okay lang yan! Mas okay na na panget ka kaysa kaugali mo si Drake Palma!!"

Haaay. Naiinis pa din ako sa nangyari sa gabi na 'to.. Kamusta na kaya si Sheen? Okay na kaya sila ni Kei? Sila na kaya ulit?? Back to square one na naman ba ako?? Kasalanan talaga 'to nung Drake Palma na yan!! Grrr!! Kung bakit ba siya napunta sa St. Claire's eh!! Nagulo tuloy ang buhay namin!

"Sino ka nga, dali?? I won't judge, pinky swear!!"

Sino nga ba kasi 'tong si katabi ko?? Kinalimutan ko na nga yung nangyari kanina eh. Kahit na.. huhuhu. Nakakahiya.

"I'm.. Neil. Yeah, Neil," sabi niya.

Hmmm. May ka batchmate ba ako na Neil?? Ay, ewan! Like hindi ko naman talaga kilala lahat ng batchmate ko, like, di ba? Hahaha! Like girls, yo!

"Hi, Neil! Ako nga pala si Alys!" sabi ko tapos inextend ko yung kamay ko para makipagshake hands.

O////////o

"Waaaaaah!!!" hinampas hampas ko ulit siya dahil hinawakan niya na naman yung boobs ko!! Strike two na siya!! Nakakadami na siya!!! Waaaaah!!!

"Wait! Bakit mo ba ako pinapalo??" tanong niya sa akin.

"Kasi---" waaaah!! Pinagpapalo palo ko ulit siya!! " Kasi hinawakan mo yung!!"

"Huh? What did i touch? Didn't feel anything. Did i touch the wall?"

-/////-

"Walangya ka!! Bastos, manyak, pedopilya, magnanakaw, sinungaling, forger!! Ipagkakalat ko na ganun ka, Neil whatever yung last name is!! Walangya ka!!"

"Tss," narinig ko na naman siyang magsalita, "so noisy."

-_-

Leshe! Bakit ba nakulong ako dito?? Buhay nga naman oh.. so hard!!

Tumayo ako para gumapang papunta sa pinto. Sobrang dilim kasi. Wala akong makita. Huhuhu.

"Don't bother to open, it's locked," sabi niya na parang cool na cool lang.

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon