Untitled Part 1

7.4K 172 22
                                    


PROLOGUE

"TANGGAL ang mantsa, sa mababang halaga. Malinis na, matipid pa!

"Super tipid! Siguradong malinis—it's all the same."

Hinubad ni Sari ang suot na reading glass at nangalumbaba sa mesa. Isang linggong brainstorming ng kanyang staff. Ganito rin lang ang resulta. Ngunit hindi naman niya masisi ang mga tauhan. Talagang walang panlaban sa mga leading brands ang produktong hawak nila kung hindi ang mababang presyo.

Ngunit hindi siya kontento roon. Walang ipinagkaiba ang nabuo nilang advertisement sa dati nang ad na ipinakikita lamang sa consumers na nag-e-exist pa rin ang Gleam detergent. Pero walang balak umangat sa market ang produkto nila.

Hindi iyon ang gusto ni Sari. Nais niyang maging threat sa mga leading brands ang Gleam. Kaparis ng nais niyang mangyari sa kanilang advertising agency. Nais niyang gumawa ng ingay ang S&A Advertising upang kilalanin din sila ng malalaking multinational corporations.

Limang taon na simula nang itatag nila ni Ralph ang naturang ahensiya at nakapag-produce na rin sila ng ilang award-winning na TV commercials. Ngunit nananatili pa rin silang mediocre sa mundo ng advertising.

Sinulyapan niya ang wall clock sa itaas ng pinto. Alas-dos na ng madaling-araw. Wala pa rin siyang naiisip na solusyon sa kanilang problema. O mas masasabing kanyang problema, dahil kung ang partner niyang si Ralph at ang kanilang staff ang tatanungin, walang problema sa nabuo nila. Handa na ang mga iyon na iprisinta bukas ng umaga ang kanilang ideas sa mga Gleam people.

They'll be glad, but won't be impressed, aniya sa sarili. Ngunit wala na talaga siyang maisip na magandang ideya. I need some sleep. Tumindig siya at hinubad ang silk robe na suot.

Sleep on it, payo ng marami. Ngunit hindi nakaugalian ni Sari na tulugan ang problema. Gustuhin man niya ay hindi niya magawa sapagka't hindi siya patutulugin ng kanyang isip. Patuloy ang pag-ikot niyon. Ngunit pabalik-balik lamang sa mga nauna na niyang ideas.

Pinilit niyang ibahin ang takbo ng isipan. Iyong mas magandang bagay—iyong masaya upang makatulog siya na magaan ang pakiramdam. And if she wanted happy thoughts, iisa lamang ang pumapasok sa kanyang isip—si Lolo Claro.

Napabuntong-hininga si Sari. Kung buhay lamang ang matanda, marahil ay matutulungan siya nito. She could picture him deep in thoughts. An old man full of wisdom who never denied his age... who had always been proud of the lines on his face.

Oh, Lolo, what shall I do? naitanong niya sa kawalan. She could see him smiling when she was fifteen looking up at him in his study.

"Business is creating needs for the people, plain and simple. You create needs, they demand it, you get rich," anito.

"Kahit hindi nila talagang kailangan?" tanong niya.

Tumango ang matanda, seryoso ang mukha. "But it is wrong of course, it is cheating them. And I did a lot of cheating when I was young."

"Do you regret it now, 'Lo?"

"Sometimes yes, most of the times no. There is no sense in regrets. You just have to go on and try to right what is wrong... and in the end, it's the truth that matters. But still, there is no sense in regretting the lies." Ginulo ng matanda ang kanyang buhok. "How can you appreciate the truth without the lies?" anitong nakangiti.

At fifteen, hindi pa niya masyadong naiintindihan ang mga sinasabi ng matanda. Gusto lamang niyang makinig dahil para sa kanya ay obligasyon niyang maging tagapakinig sa matanda dahil malaki ang utang-na-loob niya rito. Sa pamamagitan ng atensiyon at pagmamahal ay ibinalik niya ang utang- na-loob na iyon.

Truth is what matters.... Paulit-ulit na naglalaro sa isip ni Sari ang pangungusap na iyon hanggang bumalikwas siya sa higaan, deretso sa kusina.

She found the answer and searched the laundry.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now