CHAPTER 18

83.3K 3.5K 454
                                    

Chapter 18

HE stiffened. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya. That was like music to my ears.

"S—serenity..."

Humigpit ang yakap niya. I don't know but I can't explain the mixed emotions I'm feeling right now. Pakiramdam ko nawala iyong malaking batong nakadagan sa dibdib ko sa loob ng ilang buwan. I realized I've endured long enough to hold on. Gusto ko nang maging malaya sa sarili kong kulungan. Handa na ulit akong sumugal. Handang-handa na.

"Y—you hugged me back," he trailed off.

Nahimigan ko iyong pagkabigla niya. Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita ko. I buried my face to his chest. Gustong-gusto kong marinig ang tibok ng puso niya. Ang akala ko'y wala nang lalakas at bibilis sa tibok ng puso ngunit habang nalubog ako sa kanya ay tila kulog iyong sunod-sunod na sumasabog.

"Patawarin mo ako kung pinaghintay kita nang matagal," usal ko.

Isang mahigpit pa ulit na yakap ang iginawad niya sa akin bago niya ako pinakawalan. Ngunit nakahawak pa rin siya sa magkabilang likod ng balikat ko.

He looked directly to my eyes. His were misty like he was in the verge of crying. Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya ang mukha niya. I can't help but to squeal inwardly because I was the reason behind his happiness.

"Does that mean—" hindi makapaniwalang tanong niya.

Sunod-sunod akong tumango at ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Hindi ko kayang pakawalan ka pa," sabi ko.

"Oh, shit!" he exclaimed.

Gulat ako nang bigla niya akong binuhat at iniikot sa ere.

"Wait! Sid! Ibaba mo ako! Ano ba!" I squealed.

"Shit! I can't believe it! You're officially mine!"

Natawa ako ngunit kinakabahan din na baka mahulog ako sa semento at mabalian. Mabigat pa naman ako.

"Ibaba mo nga muna ako. Ano ka ba?"

Ngunit hindi siya nakinig. Inikot pa niya ako nang tatlong beses bago tuluyang ibinaba.

Hinapit niya ako sa bewang at idinikit paharap sa kanyang katawan.

"I'm so damn happy right now!" usal niya. Tila malulusaw ako sa lalim ng kanyang mga titig.

"M—masaya rin ako. Salamat kasi hindi ka sumuko. Salamat kasi kahit ilang beses kitang pinagtabuyan—"

"Shh... You're worth the wait, my lady—scratch that, you're my love now."

He tucked my hair behind my ear.

"I love you. I love you so much, Serenity."

"Mahal din kita." Muli akong ngumiti. Napapikit siya nang ilang segundo saka nakangiting dumilat sa 'kin. Tila naging kamatis ang kanyang leeg at magkabilang tainga.

"Say that again, please?" he whispered.

"Mahal na mahal na kita, Isidoro Dela Vega."

With that, he pulled me unto a hug again. I realized, may mas ihihigpit pa pala ang yakap niya. It felt good. I finally felt home.

"I feel like I'm in heaven. Thank you for finally being mine, Love."

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap sa labas ng pinto. We did not mind at all. Pareho kaming nawili sa yakap ng isa't isa.

When we pulled away, we both laughed. Iyong tawang masaya.

He was insatiable. Ilang beses pa niya ako ikinulong sa kanyang mga braso. Kung hindi lang namin napansin ang nakalapag kong mga pinamili sa grocery ay hindi namin naalalang nasa labas kami.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon