Untitled Part 5

2.4K 109 0
                                    


GABI ng debut party ni Sari nang matumba sa dance floor si Don Claro habang isinasayaw ang anak na si Melina. Nagkagulo na ang party at matapos humingi ng paumanhin si Aldon sa mga bisita ay nagsialisan na ang mga iyon. Habang isinusugod naman sa hospital si Don Claro.

Kaya naman nagulat na lamang si Sari nang may tumapik sa kanyang balikat. Si Melina.

"Ipinatatawag ka ni Papa, Sari," anito at mapula rin ang mga mata. "Wipe your tears, it will upset him," wika pa nito. Sa pamamagitan ng tulle lace sa palda ng gown niya ay pinahid niya ang luha at sumunod kay Melina sa silid ni Don Claro.

Ganoon na lamang ang katuwaan ni Sari nang makitang nakasandal sa headboard ang matanda at nakangiti ito. Parang walang nangyari.

"Halika, Sari," tawag nito. Tinakbo ni Sari ang kinaroroonan ni Don Claro at niyakap ito. "Mild stroke, my dear."

"Akala ko kasi—Lolo, I love you. Mahal na mahal kita, don't leave me. Natatakot ako, Lolo...." Hindi siya bumitiw sa matanda at patuloy sa pag-iyak. "Natatakot ako, Lolo. Hindi ko kayang mag-isa."

"You won't be alone, Sari. I will take care of you."

Napaigtad si Sari. At noon lang niya na-realize na may isa pa palang tao sa silid at hindi si Melina.

"Aldon...?" bulong niya.

"Gramps won't be here long, hindi ba, Lolo?" anang lalaki sa matanda.

Tumango ito. "Masyado na akong matagal dito sa mundo... kailangan ko nang umalis," anitong nakangiti. "Bukas o makalawa, aalis na ako, Sari. Pero hindi ka mag-iisa. Naririyan si Aldon."

"W-what do you mean, Lolo?" Halos wala siyang tinig.

"I will marry you, Sari."

Ngunit hindi lumundag sa galak ang puso ni Sari. Sinabi iyon ni Aldon sa tonong tumutupad lamang ito sa isang pangako o sumusunod sa utos.

Ngunit wala siyang sinabi. At mas importante sa kanya sa mga oras na iyon ang kalagayan ni Don Claro. Kung sa iba sanang pagkakataon sinabi iyon ni Aldon, marahil ay matutuwa siya at mabubulagan. Ngunit doon sa silid sa hospital, damang-dama niya na ang lahat ay kagustuhan lamang ni Don Claro. Kagaya ng napag-usapan nila noon. Hindi naman niya inisip na ganoon ang gagawin ng matanda. Akala lamang niya ay nakikisali ito sa pangarap niya and she was grateful for that. Na imbes na kondenahin siya ay sinang-ayunan ang ilusyon niya, like a best friend.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now