Untitled Part 6

2.5K 114 0
                                    


ISANG linggo matapos ang kanyang ika-labingwalong taong kaarawan ay ikinasal sila ni Aldon sa sala ni Judge Honesto Villa. Nagkaroon ng maliit na salu-salo ang buong pamilya Latarde sa bahay ng mga iyon sa Tagaytay. Lahat ay masaya at binabati siya ng best wishes at good luck. Ngunit naroroon pa rin ang kaba na nagpapakitang-tao lamang ang mga iyon alang-alang kay Don Claro.

Ang totoo ay batid ni Sari na takot ang mga iyon kay Don Claro. At hindi basta-basta mailapit ang sarili sa matanda. Takot na masigawan, masabihan na walang-silbi. Hindi niya masisisi ang mga anak nito, pamangkin at apo. Alam niyang istrikto rin si Don Claro at mabagsik. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit nagkasundo sila.

Sa bahay ni Aldon sa Manila sila umuwi. At sa kanilang silid, tahimik na hinubad ni Sari ang kanyang damit-pangkasal. Gusto niyang umiyak. Sa mga pangarap niya, si Aldon ang dahan-dahang magbababa ng zipper ng bestida habang hinahagkan siya.

Nasa balkonahe si Aldon. Nakatanaw sa malayo. Tanging ito lamang ang nakakaalam kung ano ang iniisip. Kaya naman laking gulat nito nang marinig na tinatawag niya ang pangalan nito. Mahina, pabulong. At nang lingunin siya nito ay tumambad dito ang kanyang hubad na katawan.

"I'm your wife, Aldon," ani Sari.

Hindi na nakapagsalita ang lalaki. He was seeing a dream. Yet a dream he didn't want. Gustuhin man niyang hawakan si Sari, kaparis ng gugustuhing gawin ng sinumang lalaki na makakita sa kanya ay hindi nito magawa. Paris nito, si Sari ay biktima rin. Biktima ng manipulosong matanda. Pareho lamang silang napilitan sa kasal na ito. At hindi nito puwedeng samantalahin iyon.

Ngunit palapit na sa lalaki si Sari at gustong matawa ni Aldon sa kanilang sitwasyon. Alangan namang tumalon ito sa balkonahe para lang maiwasang hawakan ang kanyang bride!

"D-don't you want me?" bulong ni Sari.

"You're lovely...." nausal ni Aldon at napailing. Don't make me touch you! sigaw ng isip nito. Ngunit huli na, his hand was tracing her shoulder, the lines of her neck. "And so soft..." bulong pa nito, drawing her face to his.

When he kissed her, lahat ng pangamba sa dibdib ni Sari ay naglaho. Wala siyang naramdaman kundi ang pagmamahal para sa kabiyak. She was crying inside, because he was kissing her the way he did in her dreams.

"Semper fidelis...." bulong ni Sari.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now