Ganti

121 1 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi.
Hindi ko maiwasang ngumiti habang nag-aabang sa isang tabi.
Binasa ko ang mga mensaheng mula sa iniibig ko.
Iyon ang nagsilbing kumot sa nanlalamig kong puso.

Ni minsan, hindi mo ako ipinagpalit sa iba.
Hindi mo ipinaramdam na sa akin ay may mas higit pa.
Hindi mo ako ikinumpara sa mga umaaligid sa iyo.
Kaya naman sa iyo ko ibinigay ang lahat ng atensyon at pagmamahal ko.

Parang kandila na hindi lumuluha.
Ang init ng ating pag-iibiga'y sariwa pa sa aking mga alaala.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, natuldukan ang ating kuwento.
Isang karumal-dumal na wakas ang dumurog sa aking puso at pagkatao.

Hindi ko inaasahang iiwanan mo ako sa ganitong paraan.
Iniwanan mo kong luhaan, sugatan, at labis na nasasaktan.
Hindi ko alam kung paano ko magagawang burahin sa aking alaala ang iyong pagkawala.
Paano ko iyon gagawin kung tumatak sa aking memorya ang lahat ng aking narinig at nakita?

Malamig din ang simoy ng hangin noong gabing iyon.
Gusto sana kitang ihatid pauwi ngunit hindi ka sumang-ayon.
Ang sabi mo'y kailangan ko ng pahinga sapagkat maaga pa akong papasok sa eskuwela.
Labag man sa kalooban, pinagbigyan na lamang kita.

Hindi ko malilimutan ang ngiti na iyong isinukli.
Napaka-tamis at napaka-inosente ng ngiti na gumuhit sa iyong mga labi.
Hiniling ko pa na sana bukas iyan din ang aking masilayan.
Ngunit ang ngiti na iyong ibinigay ay hindi na muling nasundan.

Bigla ko nalang nabalitaan na wala ka na.
Ang sabi ng iyong nanay, pinagsamantalahan ka.
Natagpuan ka sa may kalsada, hindi na humihinga pa.
Walang saplot ang katawang nababalot ng mga pasa.

Nung una'y hindi ako naniwala.
Umaasa ako na nagbibiro lamang siya.
Ngunit nang masilayan kitang nakahimlay, unti-unting nawasak ang mundo ko.
Nanginig ang tuhod ko hanggang sa hindi ko na kinaya pa na manatiling nakatayo.

Ang sakit isipin na wala ka na, mahal.
Sino na ang magiging "bride" sa plinano nating kasal?
Kung hindi lang sana kita hinayaang umuwi mag-isa, hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Kung nagpumilit ako na ihatid ka, masisilayan ko pa sana ang matamis na ngiti sa mga labi mo.

Naputol ang aking pag-alala sa minamahal ko nang may marinig ako.
Mukhang nandito na yung hinihintay kong tao.
Tama lang ba na tao ang itawag ko sa aking bisita?
Hindi kasi makatao yung ginawa niya.

Bago pa siya makapagsalita, pinatahimik ko na siya.
Ayokong marinig ang mga sasabihin niya.
Dahil hindi ka din niya pinakinggan noong gabing iyon.
Kaya bakit ko siya pakikinggan ngayon?

Tatlong taon, tatlong taon ko siyang hinanap.
Buong akala ko hindi ko na siya mahahagilap.
Magaling kasi magtago kaya nakalaya, palibhasa may kapit sa gobyerno.
Pero ngayon, sisiguraduhin kong hindi na siya makakawala sa mga kamay ko.

Itinali ko siya sa kama, tulad ng ginawa niya sayo.
Siniguro kong gising din siya para ramdam din niya ang hirap na pinagdaanan mo.
Alam ko na kahit gawin ko pa ito, hindi ka na babalik pa.
Pero hayaan mo nalang ako na iganti ka at bigyan ng hustisya.

Isang kutsilyong matalas ang aking hinablot mula sa mesa.
Isa-isang kong pinutol ang mga daliri sa mga kamay niya.
Bawat daliri'y magpapaalala sa kanya kung gaano ka-sakit ang kanyang ginawa.
Hanggang sa nawala na ang mga daliri at kamay na humaplos at lumapat sa iyong katawan at mukha.

Sunod kong tinanggal ang dila at labing sumakop sa iyong mapulang labi.
Siniguro kong mararamdaman niya ang hapdi.
Ni minsan, hindi kita binaboy tulad ng ginawa niya sa iyo.
Ang isang tulad niya'y hindi nararapat mabuhay sa mundong ito.

Hanggang sa humina at bumagal ang kanyang paghinga.
Tinitigan ko ang mga mata niyang nagmamakaawang tuldukan na lamang ang buhay niya.
Ang balat ng mga parte ng katawan niya na lumapat sa iyo'y wala na.
Wala na din ang sandata na nagpaligaya sa kanya ngunit pinaiyak at sinaktan ka.

Tinitigan ko ang baril na kanina pang nasa ibabaw ng mesa at mahinang natawa.
Tama, hindi niya deserve ang mabilisang parusa.
Ibinalik ko ang aking paningin sa taong naghihingalo na.
Binigyan ko siya ng isang ngiti bago nagpaalam sa kanya.

Iniwanan ko siyang humihinga pa ngunit nahihirapan na.
Mag-isa niyang hihintayin si Kamatayan na sunduin siya.
Hindi din kaagad matatagpuan ang bangkay niya.
Tulad ng ginawa niyang pag-iwan sayo sa kalsada.

Pumunta ako sa presinto, nababalot ng maduming dugo.
Agad kong inamin sa hepe ang lahat ng mga ginawa ko.
Hindi ako umimik nang lagyan niya ako ng posas at inihatid sa kulungan.
Wala na akong pakialam kung ano ang aking kahihinatnan.

Ang mahalaga, naiganti kita at nabigyan kita ng hustisya.
Wala akong pakialam kung kamatayan man ang aking parusa.
Hindi na mahalaga kung masunog man ako sa apoy ng impyerno.
Mas gugustuhin ko pa iyon kaysa hayaang mabuhay ang gumawa ng bagay na iyon sayo.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon