Chapter 54 "Last Chapter"

45.1K 1.6K 900
                                    

"My condolences," bungad ni Kurt kay Saimon nang umupo 'to sa harap n'ya.

Nakaposas ang mga kamay ni Kurt sa likod habang nakaupo. Kasalukuyan silang nasa interrogation room ni Saimon.

Inangat ni Saimon ang tingin papunta kay Kurt. Namumugto ang mga mata n'ya. Halata sa mukha n'ya ang pagod at parang walang tulog ng ilang araw.

"Kurt Servantes, your actions of going against the organization will be-"

"I bet, it's hard for you," putol pa ni Kurt sa sinasabi ni Saimon.

Tumalim ang tingin ni Saimon sa kaharap. "No one died."

"Are you still delusional?" -Kurt

Huminga ng malalim si Saimon. Nanginginig ang mga kamay n'ya sa galit pero alam n'yang wala nang kwenta kung bubugbugin n'ya pa si Kurt hanggang mamatay. Mas gugustuhin n'ya na lang na mabulok sa kulungan ang kausap.

Si Kurt lang ang hawak nila. Sinurrender nila si Miracle Santillan sa lolo't lola nito dahil nangako silang ipapagamot nila ang apo nila tungkol sa problema nito sa pagka-obsess kay Liryu Marcus.

"You'll spend the rest of your life inside the cell for you to realize the things you did. That's all." Saka mabilis na tumayo si Saimon, dala ang isang folder na may lamang mga papeles. Dire-diretso s'ya sa paglalakad palabas ng interrogation room. Narinig n'ya pang tumawa ng malakas si Kurt na parang nasiraan na ng ulo.

"Nanalo pa rin ako, Saimon Reigo Almante!"

Malakas na sinara ni Saimon ang pinto saka muling huminga ng malalim. Habang naglalakad s'ya palabas ng S.O., sumulpot sa kung saan si Matthew at inabot kay Saimon ang isa pang folder.

"'Yan na lahat ng nakuha naming information kay Mirco Fuentabella, Sir."

Tumango si Saimon. "Bakit ka nandito? 'Di ba, pinababantayan ko sa 'yo si Yumiko?"

"Ang sabi po kasi ni Shunrei, tulungan ko na lang kayo dito. S'ya na daw pong bahala kay Ma'am Yumiko."

"Kumusta s'ya no'ng iniwan mo s'ya?" tanong ni Saimon. Medyo humina pa nga ang boses n'ya.

Tumahimik saglit si Matt bago sumagot. "She's still.. crying. I think, you're the one she needs, Sir. Kami na po nila Gray ang bahala muna dito."

Muling tumango si Saimon. "Pupuntahan ko talaga s'ya pagkatapos ko kay Kurt." Huminto s'ya sa paglalakad at tinapik sa balikat si Matt. "At ikaw, pati na sila Gray, ihanda n'yo na ang mga sarili n'yo. Manunumpa na kayo sa Crown Mafia."

Napakurap ng ilang ulit si Matt dahil sa gulat bago napangiti ng malawak at nag-bow.

"Maraming salamat, Sir."

"Maliit na bagay lang 'yon para sa mga ginawa n'yo."

Sinulyapan ni Saimon ang braso nitong nakabalot pa ng benda. Napuruhan ito noong pinipigilan nito si Shunrei sa pagwawala pagkakita sa nangyari sa kakambal n'ya.

Muli tinapik ni Saimon sa balikat si Matthew saka s'ya tuluyang lumabas sa headquarters ng S.O.

*****

"Mom.."

Hinawakan ni Shunrei ang kamay ni Yumiko nang maghigpit habang nakaupo ito sa hospital bed at walang tigil sa pag-iyak. Tumulo ang luha ni Shunrei pero agad n'ya 'yong pinunasan.

"G-gano'n ba ako kapabayang ina, Shun..?" puno nang luha ang mga matang tanong ni Yumiko kay Shunrei.

Agad na umiling si Shun at niyakap ang ina. Wala itong kasalanan sa nangyari. Hindi dapat nito sisihin ang sarili sa kung ano mang nangyari sa anak nito.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon