I think, I really need to leave. Pakiramdam ko ay hindi ko makokontrol ang mga susunod na mangyayari. This is not the first time na may hahawakang kaso si papa na pulitiko ang involve, sometimes, death threats come kaya napaka tight ng security ng pamilya at ngayon, pati ako ay nadamay na. Ayokong iwan si papa pero siya narin ang nagsabi na umalis muna ako at susundin ko siya. But something inside me urges na huwag akong umalis. I don't know.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Aunt Shine called me at nag offer siya ng work. Maybe, this is a sign! Na huwag akong matuloy sa Spain.
Bumaba ako sa kama at nagritwal. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Naabutan ko sila papa at mama na kumakain ng breakfast sa dining area.
I gathered all my strengths. Nakangiti akong bumaba at pumahik sa dining.
"Goodmorning!" Bati ko sa kanila. Tumango lamang si papa. Si mama naman ay nakangiting binati rin ako.
Naupo ako sa pwesto ko, may pinggan na yon kaya don ako.
"Why are you so happy?" Si mama iyon.
Ngumiti ako at nagsalita.
"Ma, tita Shine offered me a job"
"No" singit agad ni papa kaya napalis ang ngiti sa labi ko.
"Pa"
Tumigil si papa sa pagkain at humarap sa akin.
"Nag usap na tayo, you're going to Spain. Kay Weng" he reminded me again.
"Pero pa, ayokong umalis. I want to stay here. Kasama niyo" tsaka ako lumingon kay mama na ngayon ay nakatingin kay papa.
"It's for your own safety"
"Pa, safe naman ako dito, tsaka, di naman ako makikipagkita kay Jacob" wika ko tsaka irap pero di nila nakita dahil yumuko na ako.
"Tell me about it" wika ni mama kaya napa angat ako ng tingin at napangiti uli.
"Si tita Shine, she wants me to be their brand ambassador. Ma, diba? You'll see me in magazines" excited kong kwento.
"Then grab it!" Nakangiting wika ni mama.
Tumahimik lang si papa at halatang naninimbang.
Tumingin ako kay mama at ngumuso.
"Arturo, payagan mo na ang anak mo. Double her security, hindi naman siya ipapahamak ni Shine" wika ni mama kay papa.
"And now, she'll be known, Margarette, pinag usapan na natin ito, na hindi pwedeng ma expose si Althea" si papa iyon.
Alam ko naman iyon.
"Maybe, its time. Oras na para tahakin niya ang path para sa kanya" wika ni mama.
Napangiti ako doon. Siguro nga ma, baka nga ito ang path para sa akin. Modelling? Hmmm.
"I don't like that idea" si papa.
Sumimangot si mama at ipinagpatuloy ang pagkain. Ganun din ako. Hindi ko na ipipilit.
"But. ."
Natigil kaming dalawa ni mama dahil sa pagsasalita ni papa. Ako naman ay nabuhayan ng loob.
"But if this is what she really wants, wala akong magagawa. I'll double her security then. Don't be stubborn. . " bumaling si papa sa akin.
"You know my conditions, Althea"
Tumango tango naman ako. I am so happy!
"I know, i know, papa" masaya kong wika.
Mabilis kong tinapos ang pagkain at pumanhik uli sa taas. Tita Shine invited me today, pupunta ako sa studio ng company nila. Pag aari niya ang isa sa mga sikat na brand ng apparel. Kapatid siya ni mama at nasa fashion industry siya. She invited me to be her model. Isa siya sa mga kasama ni mama nong gabi na puro puri ang natanggap ko, liban nalang nung dumating si Jacob. Haay. What is he up to now?. Ano kayang ginagawa niya? Pinaplano na kaya nila kung paano pababagsakin si papa?. I don't want to think about it. Really.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...