Umirap nalang ako sa kanila. Napansin nila iyon kaya iyon humarap ulit sila sa harapan. Hinarap ko si tita at nagsalita. Naiinis ako dahil sa nangyayari. Gustong gusto ko ng umuwi ngayon at hindi na rumampa.
"This will be the last time this will happen tita. Pag may ganitong fashion show at meron siya, please, sabihan mo ako kaagad tita"
Inayos ko ang sarili ko bago tumingin uli kay tita.
"Fine, sorry" wika ni tita.
Nakukunsensiya naman ako dahil simula palang ito ng career ko ay nagrereklamo na ako.
"Sorry din tita. I just don't know how to act when he is around" wika ko.
Tumango lang si tita. Lumapit naman si Erick kaya nabali na ang usapan naming dalawa.
Minuto lang ang hinintay at nagsimula na silang maglakad sa runway. Nang kami na ni Vince ay halos ayokong maglakad. Lord!please. Give me strength.
Nagulat ako nang magsalubong kaming dalawa ni Vince sa stage ay hinawakan niya ako sa kaliwang parte ng bewang dahilan para humarap ako sa kanya, gulat man ay binawi ko kaagad ang tingin at humarap sa crowd, nahanap kaagad ng tingin ko si Jacob, he is busy, nakikipag usap siya sa katabi niyang may edad na ngunit halatang kilig na kilig sa kausap. Thank God. Siguro ay hindi niya alam na kasali ako dito kaya ganun. Binitawan ako ni Vince at sabay kaming naglakad sa runway, bawat hakbang ay sobrang kaba ng dibdib ko, hindi dahil sa unang beses ko itong gawin kundi dahil nandyan siya sa harapan.
Nang malapit na kami sa dulo ay bigla siyang lumingon dahilan para mawala ako sa focus, mumuntik akong matumba, buti nalang at nahawakan ako ni Vince, sa bewang! Damn.
Humarap ako kay Vince at seryoso ang tingin niya sa akin. Pinilit kong tinanggal ang kaba sa mukha ko at humarap sa madla. Madilim sa parte kung nasaan si Jacob ngunit kapansin pansin ang pagtiim ng kanyang bagang.
Madilim din ang titig niya sa akin. Binalewala ko iyon. Tumingin ako kay Vince at ngumiti. Binitawan niya ako at sabay kaming tumalikod. Nang matapos kami ay nagsalita muli ang MC. Sa sobrang kaba ko ay napansandal nalang ako sa backdrop.
"Okay ka lang?".tanong ni Vince sa akin.
May mga crew na nag aabot ng tubig kaya humingi ako. Uminom ako doon bago ako sumagot.
"I'm fine. Salamat"sagot ko sa kanya. Nagpamewang pa siya sa harap ko kaya napatingin ako sa kanya.
"You seem distracted kanina, okay ka lang ba talaga?" Tanong na naman niya.
His eyes are full of concern. Tumango ako at ngumiti.
"Okay! Rarampa pa for the last time, poproject, hintayin ang mga designers, kasabay silang maglalakad at babalik, ganun lang" wika ng organizer.
Inabot ni Vince ang kamay sa akin para makatayo ako. Kinuha ko iyon. Wala na akong time para mag inarte dahil masakit na ang paa ko. Nang nag cue ang organizer ay pumasok na ang modelo isa-isa. Nang ako na ang lalabas ay hinawakan ni Vince ang kamay ko dahil ganun na ang set up.
Tumayo kami sa dulong parte at nasa medyo sulok kami. Ayokong lingunin ang audience pero wala akong choice. Pagtingin ko sa pwesto ni Jacob kanina ay wala na siya doon. Hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag doon.
Nang natapos ang pagrampa namin kasama ng designer ay bumalik na kami kaagad sa backstage.
"Maaga pa, can you join me for dinner?" Pag aaya ni Vince sa akin. Nasa dressing room na kami ngayon at nagtatanggal na ako ng sandals dahil masakit na ang paa ko.
"Ha?" Tanong ko pa ulit dahil nakayuko ako at hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.
"Can we have dinner together?"tanong niya ulit.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...