Kabanata XXI

21.5K 1.1K 547
                                    

ELIANA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ELIANA'S POV

"Dareios, ano ang ginagawa mo dito?!" Bakas sa mukha ng babae ang takot habang hindi malaman kung ano ang gagawin sa kasintahang binisita siya sa kalagitnaan ng gabi.

Tanging pilyo na ngiti lamang ang isinukli ng lalaki dito habang niyayapos ang nag-aalalang mukha ng dalaga.

"Huwag kang mag-alala. Tulog na si Maestro at ang ibang propesor sa akademya. Halika na!" Nakangiting paanyaya ng lalaki sa dalaga at hinatak na ang kamay nito palabas ng tahanan. Agad namang bumitaw si Elaine dito sinamaan ng tingin ang lalaki.

"Magtigil ka, Dareios! Hindi ko nais lumabas ng tahanan sa dis-oras ng gabi nang hindi nagpapaalam sa aking Ama!" Inis na sita ng dalaga sa lalaking hanggang ngayon ay mayroon pa ring pilyo na ngiti sa mga labi. Hindi siya nagsalita sa pagmamatigas ng kanyang kasintahan. Sa halip ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at agad na siniil ng halik. Nagulat naman si Elaine sa ginawa ng binata ngunit hindi na rin siya nakatanggi dito at tumugon na sa halik.

Ilang segundo matapos maglapat ang kanilang mga labi ay hingal silang humiwalay sa isa't isa. Natawa naman si Dareios sa namumulang mukha ni Elaine.

"Sasama ka na ba sa akin o gusto mong halikan kitang muli? Kahit ano naman sa dalawa ay ayos lamang sa akin." Natatawang pahayag nito. Mas lalong namula ang dalaga sa pahayag ng lalaki kaya marahan niya itong hinampas upang hindi makita ang pamumula ng kanyang mukha.

"Magtigil ka nga sa kapilyuhan mo, Dareios!" Nakangusong sita nito upang pigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa kanyang labi. Maya-maya lamang ay pumayag na rin ang dalaga sa kagustuhan nito na magpunta sa hardin.

Ilang minutong paglalakad ay narating na rin ng dalawa ang kanilang patutunguhan. Ang dulong bahagi nang hardin na mayroong matayog at napakalaking puno.

"Ano ang nais mong makita ko dito, Dareios?" Nagtatakang tanong ni Elaine dahil wala namang iba pang kakaiba sa lugar. Tanging mga naggagandahang mga bulaklak at isang napakatayog na puno ang nandito. Ngumiti lamang sa kanya si Dareios saka hinawakan ang kanyang kanang kamay.

"Maghintay ka lamang." Nakangiting pahayag nang binata na ikinatango na lamang ni Elaine at nanatiling nakatingin sa paligid. Maya-maya lamang ay biglang nagliwanag ang napakatayog na puno na animo'y may nagpapailaw dito na mga maliliit na bagay. Hanggang sa humiwalay ang mga maliwanag na bagay sa puno at nagkalat sa paligid.

"A...Ang ganda!" Namamanghang pahayag ni Elaine habang ang mga mata nito ay nagniningning sa sobrang tuwa. Ngayon lamang siya nakakita ng mga alitaptap na umiilaw kaya sobrang nakakapanibago sa kanya nito.

Napangiti naman si Dareios dahil sa napakagandang tanawin na kanyang nasisilayan. Ang kanyang mga mata ay nakapukol lamang sa babaeng manghang-mangha sa paligid. Ang napakagandang ngiti ni Elaine ay sapat na upang buuin ang kanyang gabi at makapagpasilay ng isang napakatamis na ngiti sa kanyang labi.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon