Untitled Part 11

2.3K 125 10
                                    


NANG dumating si Aldon kinabukasan, handa na siya sa mga itatanong niya. Nais niyang makatiyak.

May dalang bulaklak ang lalaki nang dumating bandang tanghali.

"I was trying to call you," umpisa niya.

"I turned it off. Someone was trying to reach me and I didn't want to talk to him," anito. Nagtataka why he sounded so defensive, like a husband. I am a husband.

"Ako ba ang pinagtataguan mo?" si Sari. Firm ang expression. Parang heneral na kinakastigo ang nasasakupan.

"Of course not! Bakit kita pagtataguan—teka muna, are you mad at me, dahil hindi ako nakauwi? You should get used to it. I have an empire to run." Nilapitan ni Aldon ang kabiyak at inakbayan. Hinagkan sa pisngi.

"Bakit bagong ligo ka at amoy sabon?" tanong ni Sari.

"Sari, I slept in a hotel!"

"With whom?"

"I can't believe this!" deklara ni Aldon. "You're nagging me! You're accusing me!"

"I want the truth," ani Sari. Nakaramdam ng hiya dahil tinawag siyang nagger. Alam niyang ang ayaw na ayaw ng mga lalaki sa kani-kanilang mga asawa ay iyong pagiging nagger.

"Truth is, I'm tired. I want some sleep."

"Akala ko ba natulog ka? Bakit pagod ka pa rin?" Nakalimutan na ni Sari ang rule tungkol sa pagiging nagger.

Tameme si Aldon. Napakamot sa ulo.

"I drove. At saka, hatinggabi na natapos ang conference." Naupo ito sa sofa. "Ano'ng nangyari sa lakad mo?"

"Huwag mong ibahin ang usapan. Pinapunta mo ako roon kahit wala namang problema. Dahil gusto mong mawala ako ng isang araw dahil may iniisip kang kalokohan," akusa ni Sari.

Guilty si Aldon. Totoong walang problema sa farm. Nais lamang nitong mapalapit ang kabiyak kay Warren Marzon. Ang masama ay iba ang naging interpretasyon doon ni Sari.

"It's not true. I received a report. Pero kung totoo ang sinasabi mo, then I'm glad. Nalaman natin na hindi totoo ang report," anito.

"Sinungaling ka! Nararamdaman ko, nagsi-sinungaling ka!" Tumakbo si Sari pataas sa hagdan at dinig ni Aldon ang pagsara ng pinto ng kanilang silid.

Matapos mapabuntong-hininga ay umakyat din ito at kinatok ang kanilang pinto. Walang balak si Sari na buksan iyon. Kaya napilitan si Aldon na gamitin ang duplicate key na nasa drawer sa kusina.

Nakaupo sa harap ng tokador si Sari. Nagmu-mukmok.

"I'm sorry, okay? I rushed home because I badly need a backrub. Pero ito ang dadatnan ko. Don't you think that's unfair?" anang lalaki.

"I won't give you a backrub. Not today, not tonight, never!" dabog ni Sari. "Kung wala kang kasalanan, bakit ka nagso-sorry? Sino'ng niloloko mo?"

"Sari, I don't need a fight, okay? I'm tired." Hindi makapagtaas ng boses si Aldon, sapagka't guilty itong talaga. He spent the night with Dorcas.

Isa pa, hindi nito inaasahan na masama palang magalit si Sari. At hindi nito maintindihan ang sarili kung bakit para siyang natatakot. Wala itong balak na patagalin pa ang galit ni Sari, for he didn't know how to deal with it.

Niyakap ni Aldon ang kabiyak, mahigpit. "I missed you, honey. I don't need your anger... I need your love," bulong nito. He was lying. But funny, it sounded so real. So real he could almost feel his words.

Kumalas si Sari sa pagkakayakap ni Aldon. "Magpahinga ka na. Marami pa akong gagawin," aniya at lumabas ng silid.

Nais niyang mapag-isa. Nais niyang mag-isip. Kung totoo ang hinala niya na nambababae si Aldon, kailangang malaman niya. Simula ngayon, under surveillance ka! Sumpa niya habang pababa ng hagdan. 

Semper FidelisWhere stories live. Discover now