IKA LABING LIMA

3.9K 78 10
                                    

"Althea" bakas naman sa mukha niya ang pagsuko. Hindi ito maaari.

"Ma!" Tumingin ako sa kanya at nakikiusap na sana ay hindi.

"We need you safe, Althea. Hindi ko iiwan ang papa mo..pero ikaw? You need to go" umiling iling ako sa sinabi ni mama. Hindi ko sila iiwan.

"Ma naman. I don't want to leave. Ang sabi ni. . Ang sabi ni Jacob, he'll help" wika ko. Halos madurog ang puso ko sa nakikita. This is the first time dad looks hopeless.

"I know! I know!" Wika ni papa.

"Your tito Andrew! Siya ang mastermind ng lahat. He will ruin my name, he'll ruin me, pati ang tatay ni Jacob, this. . This damn scam was our plan!" Nakapikit na wika ni papa.

Nagtakip ng bibig si mama at nakita kong humihikbi na siya. Ako man din ay hindi makapaniwala.

"I am sorry! Patawarin niyo ako. I tried to stop them, i tried but I couldn't" umiiyak si papa.

Lumapit ako kay mama at inalalayan siya.. this is not the right time to be weak. Mahina si papa. Mahina si mama. I can be their strength.

"We'll sort this out, pa. . Alam kong wala kang kasalanan" mahinang wika ko.

Yumuko lamang si papa sa upuan niya. Hindi ko na alam. Ang gulo gulo.

"I do have, Althea. I planned this out with them pero umatras ako. And now, ang gusto nila ay bumagsak ako kasama nila. Kailangan ko silang unahan bago pa mahuli ang lahat"

Hindi ko alam kung paano gagawin ni papa ang plano niya. Naisip ko si Jacob. Naisip ko na baka may maitulong siya sa amin. Baka makatulong siya sa kaso. Nahihirapan na si papa. Hindi lang naman si papa ang may hawak sa kasong ito, i heard, nasa lima ang abogadong nakatingin sa kaso, kailangan nilang bilisan, bago pa mahuli ang lahat. My tito Andrew needs to be convicted. Mahirap paniwalaan, he's a good man. They are!

Lumabas ako sa opisina ni papa at pumasok sa kwarto ko. I texted Jacob.

To: Jacob

Where are you?

Habang naghihintay ng reply niya ay nagbihis na ako. Pagbalik ko sa kama ay may reply siya.

Fr: Jacob

At home. Why? Are you okay?

To: Jacob

Are you alone? I want us to talk. NOW.

Ilang minuto lang ay tumawag siya.

"Why? May nangyari ba?" Concern niyang tanong.

"Yes, please, kailangan talaga kitang maka usap"

Ilang segundo pa ang hinintay ko bago sumagot si Jacob.

"Then, stay there. Hintayin mo ako. Huwag kang lalabas ng bahay, okay? Please. Althea"

"O. . Okay" sagot ko nalang. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Hindi ko alam kung para saan.

Lumabas ako sa kwarto at bababa na sana pero tinawag ako ni papa.

Lumapit ako sa kanya at nakitang ganun parin ang itsura niya. Malungkot.

"Pa" paglapit ko sa kanya.

"Where are you going?" He asked.

"I will talk to Jacob, pa. Alam ko, matutulungan niya tayo" wika ko.

Umiling iling si papa dahil sa sinabi ko.

"Sana ay hindi na" wika ni papa.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso dahil parang wala sa sarili si papa.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon