"I'm sorry, please. Just this one. I promise, I'll do my best to make it up to you" wika niya habang pilit akong hinahawakan sa siko.
Malay ko ba sa taong to! Naiinis ako sa kanya. Panay ang hawak. Sus. Eh karupok ko pa naman. Damn.
"Jacob" unti unti niya akong yinakap. Hinayaan ko siyang gawin iyon..hindi ko alam. With all these happenings, kailangan ko talaga ng karamay. Hindi ko alam kung maswerte ba o malas na si Jacob ito, ang naiisip ko lang ngayon ay hindi ako aalis. Kung nandito si Jacob. Ibig sabihin ay safe ako. Safe kami.
"I'll do my best" bulong niya habang hinahagod ang likod ko.
Ramdam ko ang kuryente sa bawat niyang paghaplos. Damn.
"Hindi parin ako aalis" bulong ko sa kanya.
"We'll figure this all out, but if you change your mind, dadalhin kita pati ng mama mo sa rest house ko" mahinang wika niya.
Tumango tango nalang ako dahil sa sinabi niya. Kumalas siya at hinawakan ako sa braso. His eyes tells me that he is telling the truth. Maniniwala naba ako?
Nagpaalam din si Jacob sa akin. Hindi ako lumabas ng kwarto para ihatid siya. Ang sabi niya rin ay hindi na kaya hindi ko na ipinilit.
I spent the day thinking. Naalala ko, may appointment pa pala ako sa makalawa. Should I just reject his offer? Pero sayang naman iyon. Pag hindi ako pumayag, mamaya maungkat pa ang koneksiyon ko sa kaso. I'll just tell papa na may lakad ako para masamahan ako ng security.
"Pa" wika ko. Tumigil si papa sa pagkain at ibinaling ang atensiyon sa akin.
"May lakad ako sa makalawa, sa piazza"
Kumunot ang noo ni papa. Hudyat na dagdagan ko pa ang impormasyon dahil kulang.
"Si Francis Libiran, I know you knew him, he wants to talk to me, may offer ata siya sa akin pa"
"That's great!" Pagsingit ni mama.
Umiling pa si papa bago kumain ulit. Naghihintay ako sa sagot kaya hindi pa ako kumakain.
"Reject the offer"
Sinasabi ko nanga ba.
"Papa, macucurious sila kung bakit? Diba?" Please papa. Pumayag kana.
"Fine. . Pero kailangan mo ng kasama. . I tell Arthur na samahan ka"
I rolled my eyes for that. Asa ka naman kay kuya!
"Pa. . Security nalang. Promise, wala na akong ibang pupuntahan maliban pa don" wika ko tsaka tumusok ng karne.
"Kahit na, kailangan mo ng kasama" pagpipilit ni papa.
Tumango nalang ako.
"Aalis na ako mamaya, ma, please. Mag iingat kayo dito" paalala ni papa. Oo nga pala. Pagbalik niya ay sana matapos na ang paglilitis. Alam ko, hindi man ako masyadong aware ay malamang sa malamang, pinag uusapan na ang mga Tanco dito sa amin. At mamaya ay ma associate na ang pangalan ni Tito Andrew pati na ang kay papa.
Pagkatapos ng dinner ay pumasok na ako sa kwarto ko. I did not recieve any text from Jacob.
Pagkagising sa umaga ay normal ang lahat. Ang kaibahan lang ay dumami ang gwardya. Maaga ding gumising si mama. Nagbebreakfast na siya nang maabutan ko sa dining area.
"Ma" wika ko tsaka umupo sa upuang malapit sa kanya.
"Hmm" si mama.
"Stop worrying" wika ko. Kumuha ako ng bacon at inilagay iyon sa plato ko.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...