Nineteen

185K 4.1K 341
                                    

AVREIN

"I will go."

Mabilis niya akong inilayo sa kaniya at tiningnan sa mga mata. Ngayon sigurado na ako sa nakikita ko. Hindi na ito mga mata na puno ng pagkalito, mga mata na ito na puno ng kasiguraduhan.

I may be martyr, but as long as I could still see these eyes, I would stay martyr. I would still risk, and I would still sacrifice even if it would cost my whole life and future.

Siguro sa puntong 'to ng buhay ko, masasabi ko na tama ang sinasabi ng karamihan—na kapag nagmahal ka ay handang mong gawin lahat, handa mong ibigay lahat at handa mong isugal lahat.

"Thank you." His lips crashed on my forehead. "I will say sorry in advance. Alam kong maaari kitang masaktan sa mga darating na araw."

"Don't. That's my choice. That's my decision. If ever I get hurt, I will blame myself, for you didn't force me to make this decision."

"I don't know what to say, but please hear this out. I could never promise you anything, I could never compromise with anyone, and I could never give any assurance. We will have sex . . . just plain sex. You'll pleasure me and I'll do the same. I love you and you feel the same way but we can never be together. We will only be partners in bed; we will be sex partners and nothing more."

Naiintindihan ko bawat salitang binitwan niya.

"...we will have sex, just plain sex..."

"It's loud and clear, Vience. You didn't have to repeat it. Alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko."

"Thank you, Avrein. Thank you." I just smiled at him. I don't know if my smile was as transparent as my eyes because that smile contains pain.

Am I really responsible enough to face the consequences of my decision?

    
PAPASOK ako ngayon ng opisina pero ramdam ko ang pagkabalisa ko. Balisa dahil magkikita kami? O balisa dahil ano mang oras ay maaari nang magsimula ang kontrata naming dalawa.

Saktong papasara na ang elevator na sinakyan ko nang may humahangos na pumasok dito.

"Good morning," bati nito sa akin na tila ikinatuod ko. Inaanuran ako ng kaba sa buo kong katawan.

"G–good morning."

"You don't have to stutter. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip mo ngayon, Avrein. I told you once that you're so transparent. Don't worry for I will not force you. Kung alam kong hindi ka naman handa, hindi kita pipilitin," anito, saka nito ibinaling ang tingin sa akin kaya't nagtama ang mga mata namin.

"S–sorry—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang niya akong hinalikan.

"I told you, I will kiss you kung magso-sorry ka nang wala namang dahilan," bulong nito matapos akong halikan. Malapit pa rin kasi ang mukha niya sa akin.

"S—" Muli na naman niya akong hinalikan na ikinalaki ng mga mata ko dahil saktong paghalik niya ay bumukas ang elevator.

Mabilis akong napausal ng dalangin na sana ay walang tao. Ganoon na lamang ang pasalamat ko nang makita kong wala.

"Bakit mo ko hinalikan!?" Bahagyang napataas ang boses ko dala ng kaba na baka may nakakita sa amin.

"Magso-sorry ka—"

"S palang ang nasasabi ko. Vience naman! Hindi naman ako magso-sorry!"

"Sarap mo po kasing halikan, Ma'am," mapanudyong wika niya sa akin.

"Ewan ko sa 'yo," pikon na anas ko, saka ako lumabas ng elevator.

"Avrein!"

"Naiinis ako sa 'yo!"

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon