Untitled Part 13

2.2K 100 0
                                    


KASALUKUYANG nanananghalian sina Aldon at Dorcas sa isang Mexican restaurant. Nais malaman ng babae ang resulta ng plano nila kay Sari.

"It won't work," wika ni Aldon.

"Why?"

"She's only interested in me."

"And it pleases you, Aldon. Sometimes, I feel that you really don't want to get rid of her," wika ni Dorcas.

"Don't be ridiculous. I just don't want to hurt her feelings. She's nice and naive and vulnerable—"

Pinutol ni Dorcas ang sinasabi ni Aldon. Sawa na itong makarinig ng mga ganoong salita tungkol kay Sari.

"A friend will be joining us. Maybe he can help us," anito. And as if on cue, may lumapit sa kanilang lalaki. Pamilyar na pamilyar iyon kay Aldon. "Oh, you're here!" bulalas ni Dorcas at pinagkilala ang dalawang lalaki. "Steve Rios, the TV man. And this is Aldon Latarde, the businessman."

Mahigpit na nagkamay ang dalawa. At naupo si Steve sa kanan ni Dorcas. Popular na popular sa buong Pilipinas ang lalaki dahil sa mga programa nito—investigative news programs, documentaries, magazine shows. At kahit ngayon lang niya nakaharap si Steve ay hindi na ito gusto ni Aldon. Masyadong mayabang tingnan. Pati kung magsalita. Isa pa'y hindi niya gusto ang ideya na ang ikinabubuhay ng isang tao ay galing sa mga trahedya ng iba. And how he hated the way he monopolized the meal talk. Parang walang ibang gustong pag-usapan si Steve kung hindi ang sarili, ang trabaho, at ang network na kinabibilangan.

Kaya naman nakahinga siya nang maluwag nang matapos ang tanghalian.

"What do you think?" Si Dorcas habang inihahatid niya ang babae sa kinaroroonan ng sasakyan nito.

"Think of what?"

"Steve! He's good-looking and very famous. Any woman would love to be with him. Let's introduce her to Sari. And you know what? He has this reputation of making every woman he meets fall head over heels in love with him," excited na saad ni Dorcas. Napatiim-bagang si Aldon.

Wala siyang balak na mapunta kay Steve si Sari. At lalong hindi niya ma-imagine na ma-in love sa lalaki ang kabiyak!

"It won't work," aniya.

"How can you be so sure?" hamon ni Dorcas.

"He's not her type. Isa pa, he's too arrogant. He'll hurt Sari."

Napahinga nang malalim si Dorcas. Ngunit pinigil ang galit. "But we'll never know unless we try. There's a party on Saturday. Take your wife. It's the show's anniversary—"

"We're not invited," putol ni Aldon.

"I represent the network. Ako ang bahala sa imbitasyon n'yo. Just take your wife and let me do the rest." Binuksan ni Dorcas ang kanyang kotse at sumakay.

Nakatalikod na si Aldon patungo sa sarili nitong sasakyan ay nakatitig pa rin sa lalaki si Dorcas. Nararamdaman nitong unti-unting nawawala sa sarili ang lalaki. Minsan ay gusto nitong pagsisihan kung bakit hindi kaagad nito tinanggap ang alok ni Aldon na pakasal noon.

To hell with the Bar! Ngunit hindi rin naman nito ma-imagine ang sarili na walang sariling career. Why can't I have everything? tanong nito, afraid that Aldon was falling in love with his wife.

Kung gusto nitong maibalik ang pagtingin ng lalaki, she must do something. Habang hindi pa huli ang lahat.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now