CHAPTER 21

76.9K 2.3K 158
                                    

Chapter 21

"Happy anniversary, Love..."

Napatakip ako ng bibig nang bumungad sa 'kin ang nakangiting mukha ng kasintahan ko pagkapasok ko pa lang ng apartment. Halata sa ayos niya ang pagod at puyat ngunit hindi maitago ang kakaibang saya na ipinapakita ng kanyang mga mata. His eyes were darting at me like he's been waiting for me all his life... they were intensely displaying the longing he endures.

"D—dumating ka..." nauutal kong tugon.

Ang kaninang magulong ayos ng apartment ko'y naging malinis. Nawala iyong nakapatong na labahin ko sa sofa. 'Yung hugasin kong iniwan ko lang sa kamamadali ko dahil mali-late na ako sa Thesis Defense ay nahugasan na rin at nasa lalagyan na. Pati ang sahig ay kumintab. Higit sa lahat, maayos na nakapatong sa lamesa 'yung chocolate cake na napapaligiran ng heart-shaped scented candles.

Maaliwalas ang buong apartment ko ngunit wala nang i-aaliwalas pa sa napakuwapong mukha ng lalaking kinasasabikan kong makita. Ilang linggo rin kaming nawalan ng oras sa isa't isa dahil pareho kaming abala. Tutok siya sa trabaho dahil tuluyan na siyang nag-take over sa posisyon ng daddy niya sa kanilang kompanya. Ako naman ay ilang linggo nang walang matinong tulog dahil sa thesis. Mahigit dalawang buwan na lamang ay magtatapos na ako sa kurso ko. Lagi siyang pagod at ginagabi sa pag-uwi kaya lagi na lamang akong nakikisabay sa pag-uwi kay Marga dahil hindi niya na ako magawang ihatid pauwi.

"Surprise?" patanong niyang wika ngunit nakaplaster sa mukha niya ang naglalambing na ngiti.

Hindi ko alam ngunit bumalong ang luha sa aking mga mata. Iyong pagod at antok ko dulot ng ilang linggong pag-re-revise ng thesis ay biglang nawala. Ibinagsak ko sa sahig iyong bitbit kong bag at dinamba siya ng yakap.

Natawa siya nang mahina at agad kong naramdaman ang pagtugon niya nang mahigpit sa yakap ko.

"I missed you so much!" I whispered. Ibinaon ko sa kanyang dibdib ang aking mukha. Just by smelling his manly scent, I felt home again. I could hug him all night. Pakiramdam ko'y isang taon na kaming hindi nagkikita.

"I missed you more, Love. I'm sorry for not visiting you often these past few weeks. I'll make it up to you. I promise."

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko habang yakap ako ng kabilang kamay niya. I tightened my hug like there's no tomorrow. Iyong pakiramdam na ilang linggo ko siyang hindi nakikita at sa text at tawag lang kami nagkakausap ay parang ayaw ko na siyang mawala sa paningin ko.

Natawa siya nang halos hindi ko siya pakawalan. We hugged each other for few more minutes before we decided to let go. He cupped my face and stared straight to my eyes.

"I missed this..." He kissed the top of my head.

"I missed this..." He kissed the top of my eyes.

"I missed this..." He gave me a gentle kiss at the top of my nose.

"And I missed this a lot..." He claimed my lips. I automatically held my eyes closed when his lips landed on mine.

Sa una'y magaan ang kanyang halik na tila tinutukso ang kiliti ng kaibuturan ko. Ngunit nang pinalaliman niya ito'y napahawak ako sa magkabila niyang braso. He's literally invading my mouth; I felt his tongue inside my mouth as if he's searching for something.

Nagpatianod ako sa pangungulilang naramdaman ko't sinuklian din ng mapusok na halik ang bawat halik na iginagawad niya sa 'kin. I missed him like crazy. I missed everything about him that I can kiss him all night.

Hindi ko alam kung ilang minuto naming ginalugad ang labi ng isa't isa. When we finally let go, his eyes were burning with passionate fire. A smile crept from his lips while our eyes were still locked on each other.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon