Chapter 71

103 3 0
                                    

So ano na?? Happy naman ako ngayon as a ViceJack fan. Sobrang hirap kasi nilang bitawan kasi masaya silang suportahan. Masaya lang. SKL











1 month later....

Sorry na guys!!!!












"So ano nga Gyl? Sasama ka ba o hindi? Magagalit ako sa iyo. Kasama naman sina Sir Lyric eh" sabi ni Kenn

"Hindi nga Kenn, nakausap ko na si Tito about dun, hindi ako sasama" sabi ko

"Hay naku.. Bakit ayaw mo bang sumama? Mag-eemote ka na naman noh, iiyak ka na naman. Kalimutan mo na kasi yang boyfriend mo. Hindi ako napapanatag pag nakikita kang malungkot eh" saad ni Kenn

"Kaya nga pinapasama kita kasi gusto ko kalimutan mo na siya, ikaw nga kinalimutan ka na niya. Pinapasama kita para sumaya ka" dagdag pa niya

Tama siya. Kailangan kong maging masaya.

"Sige na. Sige na Kenn, di mo na naman ako titigilan eh" sabi ko

"Good. Oh ano? Ako na ang susunod sa iyo ayos ba sa iyo?" sabi ni Kenn

"Oo na, yan ka na naman eh" sabi ko

Ngumiti naman siya saka ginulo ang buhok ko. Napangiti naman ako dahil dun

Kung naguguluhan kayo. Ito na ikwekwento ko na!!!

Tama si Kenn. Lagi akong umiiyak. Pag magkasama kami si Cevi ang kwento ko pero umiiyak. Wala na akong ibang sinasabi sa kanya pag magkasama kami kundi si Cevi. Lumipas na naman ang isang buwan nang makipaghiwalay sa akin si Cevi.
















Flashback















"Gyl magkita tayo sa cafe natin pwede ba?" sabi ni Cevi

Kakauwi niya lang galing Washington. Hay eto na siguro yung time para magkausap kami ng maayos. I miss him so much. I miss him badly. Yung mukha niya pag naasar. Lahat. Hay Cevi

Nagdrive ako papuntang cafe namin. Mga ilang sandali pa ay naabutan ko siyang nakaupo sa reserved visitor's area. Agad akong lumapit sa kanya sa binigyan ng isang mahigpit na yakap pero di man lang siya yumakap pabalik kaya bumitaw na ako

"Sorry maupo ka muna" walang emosyong sabi niya

"I miss you" sabi ko

"Yah. Ramdam ko nga pero Gyl sorry sa mga nangyari sa atin and I admit nagkamali ako" saad ni Cevi

"Cevi sorry din kasi napagdudahan mo ako pero maniwala ka na sa akin. Sorry" sabi ko

"Di ko lang talaga maiwasan Gyl. Anyway may gusto lang akong sabihin sa iyo" walang emosyong sabi niya

"Cevi.. Teka teka.. Di ka ba masaya na nakauwi ka na? At nagkita tayo?" sabi ko

Di ko mabasa kung anong nangyayari sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya mula sa mga mata niya. Parang may tinatago siya

"Si... Sige ano ba yun?" utal na sabi ko

Ngumiti naman siya sa akin bago muling nagsalita

"Patawarin mo sana ako Gyl. Pero alam mo, tapusin na natin kung anong meron sa atin" nakayukong sabi ni Cevi

Di ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya. Kakauwi niya lang tapos ganun? Ano bang problema nito?

"Teka Cevi. Baka naman nabibigla ka lang, pero bakit mo naman naisip yun?" sabi ko

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now