Chapter 16

15.6K 783 640
                                    


Marceline's POV

"Bonnie." tawag ko sa kanya habang nakahalumbaba na nakatingin sa dalawang tao na nakatingin sa dalawang nagkukulitan.

"Oh?" sagot naman nya habang nagce-cellphone.

"Bakit ba ayaw umamin ng isang tao na gusto din naman nya yung taong nagkakagusto sa kanya?" tanong ko.

"Aba malay ko." tinignan ko sya na hindi inaalis ang pagkahalumbaba. "At hayaan mo nga sila. Bakit mo ba sila pinapakialaman?"

"Nai-stress kasi ako sa kanila eh. Nilalayuan nila yung taong nagkakagusto sa kanila tapos kapag nilayuan naman sila, nagseselos naman." sabi ko at ibinalik ang tingin kanila Zap at Stace na naglalaro sa court. Silang dalawa lang ang nasa court habang kami ay nagpapahinga.

Rest day namin ngayon pero sama-sama kaming lahat dito sa blue team court. Kakatapos lang ng bagong taon nung nakaraang araw at bumalik na ang mga umuwi sa kani-kanilang bahay nung pasko. Nakatambay lang kami ngayon at nag-iisip kung ano ang pwedeng gawin. Ayaw namin ng basketball dahil palagi namin iyon ginagawa kaya nag-iisip ang ilan sa gagawin. At may three days pa kaming pahinga bago kami magtraining ulit kaya sinusulit na muna namin ang ganito.

Pero yung dalawa, parang hindi nagsasawa sa basketball at 'yon pa talaga ang nilaro habang wala pang naiisip. Pero yung laro naman ng ginagawa nila ay parang asaran. Yung mga dayang pwedeng gawin sa basketball ay pinaggagawa din nila. Parang mga bata talaga.

"Alam ko na!" tumingin kami sa sumigaw. Si Sakuno. "Magbatuhan bola tayo pero syempre hindi yung basketball na bola. Yung hindi masakit gamitin."

"Tara, game!" sang-ayon naman ni Math. Sumang-ayon na din ang iba.

"Pambatang laro." sabi ni Bonnie pero tumayo naman. Sus, gusto din sumali eh.

Pumunta kaming lahat sa gym. May naglabas ng mga bola ng volleyball. Nagulat pa nga ako na meron pala kaming bolang ganon.

"Okay, black and white tayo guys! maghanap kayo na gusto ninyong makalaban!" sigaw ni Stace. 

Maghahanap sana ako ng kalaban pero pinigilan ako ni Bonnie. Tinignan ko sya na nagtataka pero nginisian nya ako.

"No way!" damn ayoko nga syang makalaban! paniguradong malakas ang bato nya eh.

"Dalian mo." sabi nya at kinuha ang kamay ko.

"Pero ayokong magkalaban tayo." nakasimangot kong sabi.

"Pero gusto ko." ngising sabi nya.

"Akala ko ba ayaw mo ng ganitong laro?"

"Wala akong sinabing ayoko. Dalian mo nga." sabi nya at sya na mismo nagswing ng kamay namin na magkahawak. Iniharap nya ang palad nya habang ang akin ay patalikod. "Bye." sabi nya at kinindatan nya muna ako bago umalis. Kikiligin sana ako kaso masama ang kutob ko sa kanya.

Nahati ang grupo namin. Kasama ko si Kriza at Math sa black team. Sa kabila naman si Zap kasama si Stace. Nakaakbay pa si Stace kay Zap. Magtatampo na talaga ako kay Zap dahil nitong nakaraang araw, si Stace ang palagi nyang kasama. Mabuti na lang nandyan si Math o kaya si Kriza kaya hindi ako lonely.

"Game." sabi ni Lyte na nasa kabilang team. 

Sampu lang na bola ang gagamitin namin kaya sampu lang ang makakahawak non. Lima sa kabila at lima samin. Si Kriza, Faith,  Persia, Wyn at si Carla ang may hawak samin habang sa kabila ay si Lyte, Lori, Stace, Lulu at Sakuno. Pumito si Kylo na hindi kasali at sya ang referee namin.

Sabay na bumato ang sampu. Maingat na pinanood ko ang kalaban sa mga galaw nila. Mabilis lang din nila sinalo ang bola at binato agad samin. Ganon din ginawa ng iba. Wala pang natatanggal samin dahil nasasalo at naiiwasan ang bola. Napadako ang tingin ko kay Bonnie na kumuha ng bola. Napalunok ako nang tignan nya ako. Patay.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now