6 ~ Hold On, Baby

475K 11K 3.3K
                                    




CHAPTER SIX

IT feels like everything's back to normal. Hindi niya na narinig pa ang pagtatalo ng magulang. The school year is about to end and they are soon to migrate in America.

Madalang din ang naging pagkikita nila ni Clane dahil palagi itong nasa ibang bansa, gayon pa man ay hindi naman sila nagkulang sa komunikasyon.

Hindi niya rin sigurado kung in a relationship sila o baka siya lang ang nag-iisip niyon? Sa kagustuhan niyang makatulong sa magulang patungkol sa usaping negosyo, ipinipilit niya na ang sarili kay Clane.

Ayaw niya na itong pakawalan pa at baka madiskaril pa ang negosyo nila balang araw, lalo at wala talaga sa isip niya ang pagpapatakbo ng pangkabuhayan ng pamilya.

Yesha's iPhone beeped for a new message. She opened it and her lips form a wide smile when she read who's the sender.

From: Daddy Clane
I will be there tonight. Why are you asking?

They are exchanging a message and it took a minutes or hours before he respond. She learned to wait and be patient just for his short reply most of the time. Wala man lang kalambing-lambing sa text!

She typed a message with a pouty lips.

To: Daddy Clane
Because... I wanna see you. :(

Uminit ang pisngi niya sa reply! Really? Ang lakas talaga ng loob niya! He's in Europe again for a business trip. Walang oras sa kanya! Dapat may oras ito sa girlfriend nito!

Tumalon ang puso niya at halos mabitawan ang cellphone nang tumunog iyon para sa isang tawag.

Daddy Clane is calling...

She's hesitant to answer it or maybe she's not yet ready to talk to him. Damn, it's a long distance call. Sa huli, kabado na sinagot niya 'yon.

"Hey," Magiliw na sabi niya, akala mo ay hindi malakas ang pintig ng puso.

"Why do you wanna see me?" Clane's husky voice from the other line made her groan silently.

"Bakit? Ayaw mo ba akong makita?" Balik tanong niya.

"Bakit mo ako gustong makita?" Ulit nito na mas nadepina kagustuhan na malaman ang sagot niya.

She stupidly lay in bed, thinking about what's her reason why she wanted to see him? Namimiss niya ba ito? O hindi lang siya kuntento sa text at tawag lang?

"Kung ayaw mo akong makita, bahala ka! Magpupunta ako sa D' Club bukas ng gabi!"

"I will see you tomorrow night."

Hindi niya maawat ang ngiti sa labi. Napakapit siya sa dibdib dahil hindi talaga normal ang tibok ng puso niya. In love ba siya o kabado lang talaga kapag kausap si Clane kahit na hindi niya naman ito kaharap?

"Say, Promise." She muttered softly.

"I don't need to say it. I will see you."

"But, I wanna hear you say it."

She heard him groan. She could almost imagine him being impatient again.

"I promise."

Pinigilan niya ang mapatili. Kinurot pa ang pisngi para lang mapigilan ang kilig at pagdiriwang.

Territorial Men 6: Clane AltarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon