Pag gising ko kina umagahan ay nasa tabi ko parin siya. Iminulat ko ang mata ko kahit sobrang sakit nito. Parang puro muta na ata. Kaya pinunasan ko kaagad. Nasilayan ko ang nag aalalang mukha ni Jacob. Hinalikan niya ako sa noo kaya napapikit ako kaagad. Tumigil narin ang pagtulo ng luha ko. Siguro ay naubos na.
"You should eat" wika niya habang nakayakap parin sa akin.
Tumango nalang ako, iyon ata ang hudyat na hinihintay niya kaya napatayo siya kaagad. Iniwan niya ako doon. Kahit nanghihina ay pumasok ako sa banyo para maligo. I need to fix myself para masabi ko ang nangyari kay papa.
Paglabas ko ng kwarto ay bumungad kaagad ang lamesa. Nakahain na si Jacob. Naupo ako doon at pinanood siyang nag lalagay ng tubig sa pitsel. Nang matapos siya ay napangiti siya nang makita niya ako. I smiled a bit, too.
"Where are we going now?" Tanong ko tsaka kumuha ng pagkain at nilagay iyon sa plato ko.
Naupo siya sa upuang nasa tapat ko.
"Stop thinking too much, magiging maayos din ang lahat" wika niya.
Umiling ako."hindi ito matatapos. We should stop running, Jacob. Pumunta tayo kay papa, I need to see him" wika ko.
"We will. But not now" deretsong wika niya.
"Ni hindi ko manlang naprotektahan si mama" wika ko tsaka yumuko. Pakiramdam ko ay tutulo na naman ang luha ko.
"Hindi ko maintindihan. . Why are we running away?" Kunot noong tanong ko.
"Mas madali nilang macocorner ang papa mo pag malapit kayo sa kanya. . We need to hide, konting panahon nalang naman, Althea" paliwanag niya na ayaw ko ng intindihin.
Natigil lamang ang pag uusap namin ng biglang tumunog ang cellphone ni Jacob. Akala ko ba ay bawal ang cellphone?.
Tumayo siya para sagutin ito. Lumabas siya ng cottage kung nasaan kami ngayon. Kakaunting boses lang ang naririnig ko.
"Yes. . . Pa"
"Ano bang sinasabi ninyo?" May pag aalala sa boses niya kaya napatayo ako kaagad.
"Don't do that, that's ridiculous" may inis sa boses niya. Medyo malakas din iyon kaya pinasya ko nalang na lumabas at hanapin siya.
Nagulat ako dahil pagbukas ko ng pinto ay katubigan kaagad ang bumungad sa akin. Nasa isang floating cottage kami at puro isla ang nasa paligid.
Ang simoy ng hangin ay perpekto para sa malungkot kong pakiramdam. Nanonoot ang lamig sa paligid. Nahanap ko kaagad si Jacob at nagtama kaagad ang mata naming dalawa. Bakas sa mga mata niya ang inis at pagod.
"Pa. . Please. We'll settle this out. Hindi mo pwedeng gawin yan"
Hindi ako lumapit sa kanya. Tumitig lamang ako at siya na mismo ang nag iwas ng tingin. Anong nangyayari?.
"No. . " frustrated niyang sagot sa kausap tsaka niya sinuklay ang buhok gamit ang kaliwa niyang kamay. He looks pissed.
"Please. . No. . I am doing my best to help you out! You can't do that! Magbabayad ang dapat magbayad" medyo malakas niyang wika kaya kumunot ang noo ko.
"Please. Don't decide yet! Damn. Pa. . What?!!" Gulat niyang tanong.
Ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya. Sandaling natahimik si Jacob at halatang pinakikinggang mabuti ang sinasabi ng nasa kabilag linya.
"Then it's done, it's done. . " halata ang gulat at lungkot sa boses ni Jacob.
Hindi ako lumapit sa kanya. Pinatay niya ang tawag at halos maibato na niya ang cellphone niya pagkapatay ng tawag. Tumingin lang ako sa kanya at hindi ako nagsalita. He closed his eyes at parang nagpipigil ng galit. Para saan?. Anong nangyari?
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...