CHAPTER 22

80K 2.2K 178
                                    

Chapter 22

"BAKIT kasi ngayon mo lang sinabi? Sana dati pa hinanap na natin ang Rafael na sinasabi mo," nakangusong reklamo ni Marga.

I told him about Rafael and what really happened that time at the mall. Pahapyaw ko lang kasi dating naikuwento sa kanya ang nangyari pero hindi ko nasabing kinailangan kong magpanggap na girlfriend ng isang estranghero.

"Eh, hindi ko naman inaasahan na bestfriend pala ng mommy niya si Tita Leticia. At saka, buong akala ko pagkatapos ng nangyaring iyon ay hindi na magtatagpo ang landas namin ni Rafael. Hindi ko naman akalain na kailangan ko pala siyang hanapin para makausap ko siya."

I sighed in frustration. Gustong-gusto kong sabihin kay Tita Leticia ang totoong kaugnayan namin ni Rafael ngunit nag-aalinlangan ako. Kailangan ko munang makausap si Rafael sa naging kinahinatnan ng pagpapanggap na iyon.

I could just tell the truth and save myself  from this mess but that will certainly be a chaos. I am stuck in a limbo, and I can't help but to get frustrated.

"What if kay Fafa Sid mo na lang muna sabihin? Malay mo maiintindihan niya, 'di ba?"

"I tried, Marga. Ngunit natatakot ako. Kilala ko si Sid. He cannot control himself when he's jealous."

Sabay kaming bumuntonghininga ni Marga. Katatapos lang namin mag-submit ng application for graduation. I really can't believe that I will make it this far. Sa susunod na linggo na kami magtatapos sa kolehiyo. Pagkatapos nito'y uuwi na muna ako sa amin bago ako bumalik dito sa MIU. Naipatawag na ako ng Dean ng Office of Student's Affairs noong nakaraang linggo at puwede na akong magsimula bilang Admin Clerk bilang panimula ng trabaho ko. Mabuti na lang at inilaan talaga nila sa aming scholars ang mga vacancy sa Office of Administration.

"Okay, fine. Tutulungan na kita. Pero may ideya ka ba kung saan natin siya makikita?"

Umiling ako. Ang tanging paraan lang naman para makita ko siya ay sa pamamagitan ni Tita Leticia. For sure alam niya 'yung address ng bahay nina Rafael.

"Kinakabahan ako for you, besh. Alam mo naman na only junakis 'yung jowabels mo, so malamang napaka-protective ng parents niya sa kanya. At saka, mukha namang mabait 'yung mommy ni Sid, e, kailangan lang natin ng proof para kapag nagtapat tayo ng totoo ay paniniwalaan tayo."

I agree with Marga. First impression lasts. Unlucky for me, I unexpectedly left a bad impression from Tita Leticia. She's technically just protecting her son for getting hurt. Wala rin naman akong balak na saktan ang anak niya lalo na't mahal na mahal ko iyon.

Napangiti ako nang may bigla akong naalala.

We did it. Not just once, not twice, but thrice. Sid is insatiable lalo na kapag ilang araw kaming hindi nagkikita dahil sa trabaho niya. I did not even regret about it. Sigurado na ako sa kanya, at sa kanya ko lang din ibibigay ang sarili ko kung sakali man na nagkakilala kami sa ibang pagkakataon.

"Oh? Ba't bigla ka na lang nangingiti? You're glowing, besh. Ano? Nadiligan ka, 'no?"

Napangiwi ako at tinampal si Marga, "Gaga."

"Sus, huwag mo nang i-deny. Halata naman masyado, eh. Kung alam mo lang kung paano ka tinitingnan ni Fafa Sid kapag nakikita ko kayo sa tapat ng quadrangle kapag hinahatid ka niya. Jusko, day! Parang mas malagkit pa sa biko!" palatak ni Marga. Pinanlakihan ko siya.

"Ingay mo, tapusin mo na nga 'yang kinakain mo nang makauwi na tayo. Mammaya nandiyan na 'yung sundo mo."

Ngumisi siya sa 'kin na parang may alam siya sa nangyari. I won't deny about it but I won't tell a thing either.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon