Panimula

55K 490 80
                                    

"CARMELA" rinig kong saad ni Juanito.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makitang nakatutok sa tapat ng dibdib ni Juanito ang rebolber na hawak ko. Hindi ko akalaing aabot rito ang pagkontrol ni Carmelita sa katawan ko at ngayon ay muntikan ko pang mapatay si Juanito gamit ang sarili kong mga kamay.

Nakatayo si Juanito sa harapan ko  habang nakatingin ng diretso sa akin. Kitang-kita ang pamumuo ng  mga luha sa kaniyang mga mata. Puno pa rin ng sugat at galos ang katawan ni Juanito at may puting benda parin itong nakalagay sa kaniyang braso.

Agad kong nabitawan ang rebolber na hawak ko. Ngayon ko lang din napagtanto na nasa Plaza Santo Tomas kami. Patuloy na nagkakagulo ang mga tao at umaalingawngaw ang sunod-sunod na pag putok ng mga baril. Umaatake narin ang mga rebelde sa di kalayuan at hinaharang ito ng mga guardia civil.

"Carmela" ulit ni Juanito, dahilan upang mapatingin muli ako sa kaniya. Sinubukan niyang humakbang papalapit sakin ngunit agad akong umatras. Hindi ko na mapigilan ang labis na pagkirot ng dibdib ko dahil natatakot ako na sa oras na lumapit siya sa'kin ay baka magawa ulit siyang saktan ni Carmelita.

Napatingala ako sa taas at tila gumuho ang mundo ko nang mapagtantong nasa ilalim pala kami ng Arch of the Centuries.

Nagsimulang bumuhos ang malalaking patak ng ulan na animo'y naglalakihang luha mula sa langit. Unti-unti nitong hinugasan ang dugo sa katawan ni Juanito.

"M-Maligayang Kaarawan....Carmela" saad nito Juanito dahilan para tuluyan nang bumuhos ang luha ko na humalo sa mga patak ng ulan na tumatama sa aking mukha.

Si Juanito lang ang tanging nakaalala ng kaarawan ko.

Patuloy parin ang sagupaan ng mga rebelde at guardia civil. Nabalot ng takot ang buong katawan ko nang marinig ang pag-alingawngaw ng tunog ng kampana ng simbahan ng San Agustin sa di kalayuan, malapit lamang ito sa Intramuros.

Napatingala ako sa kalangitan at nakita ang pilit na sumisilip sa madilim na kalangitan ang araw, ibig nitong sabihin ay malapit ng mag alas dose ng tanghali.

Muli akong tumingin kay Juanito na humihikbi na ngayon. Hindi narin niya mapigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

Nagulat naman ako nang titigan niya ulit ako sa mga mata atsaka pilit na ngumiti. "I-Ikaw... si ...Carmela"  saad niya kasabay naman nito ang malakas na pag ihip ng hangin.

Parang nadudurog ang puso ko sa mga nangyayari, hindi pa ako handang maiwan mag-isa rito sa Juanito.

Ngunit kahit anong gawin ko, alam ko na wala narin akong magagawa dahil tapos na ang misyon ko panahong ito. Ito na ang tamang oras upang lisanin ang lugar ng San Alfonso, maging ang lalaking nagpapatibok ng aking puso, si Juanito.

Lakas loob kong inihanda ang aking sarili  para sa aking paglisan, pilit ko na lang din na ipinagkakasya na pagmasdan ang mukha ni Juanito, nang sa gayon ay mabaon ko ang  pigura at maging ang wangis nito sa aking ala-ala.

Sa huling pagkakataon ay lumapit sa akin si Juanito at niyakap ako ng sobrang higpit.

"M-Mahal kita...Carmela." saad niya habang nakayakap sakin. Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha, hindi ko alintana ang maingay at nagkakagulong paligid. Ang tanging mahalaga lang sa akin sa mga sandaling ito ay ang lalaking nasa harap ko, dahil alam ko na ito na ang huling beses na maririnig kong banggitin niya na mahal niya ako.

Unti-unti nagdilim ang buong paligid habang patuloy ko parin na naririnig ang alingawngaw ng palitan ng putok ng mga baril sa paligid. At sa huli, naramdaman ko na lang ang tuluyan kong pagbagsak sa lupa.

*****

Sa original story ay hindi siya nawalan ng malay, natumba lang si Carmela at nakitang mag isa na lamang siya sa ilalim ng Arch of the Centuries, kung saan napagtanto niyang nakabalik na pala siya sa panahong 2016.

Feel free to message us or mag comment kayo para sa suggestions niyo.

Play niyo na din itong 'Huling Sandali' ng December Avenue.
Lagi kong naaalala sila Juanito at Carmela dito

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon