Chapter 11

36.9K 1.2K 397
                                    

Mariana's POV

"Konti nalang mars.. sige lang" pagbibigay ko ng inspiring words kay Chelsea.

"Hindi kona kaya.. pagod na ako" pagrereklamo nito at mainit nanaman ang ulo.

"Sige na mars ayan o konti nalang" pagpipilit kopa rito.

"Sabi nang pagod na ako e!" atsaka nito binalibag ang tungkod niya.

Napaigtad ako sa ginawa nito. Wala akong magawa kung hindi mag-pasensya at intindihin na lamang siya.

Ikalawang linggo na ni Chelsea sa pagpapa-therapy pero wala padin masyadong progreso sa kalagayan niya. Kinailangan niyang mag-therapy dahil halos isang buwan rin siyang naka-confine matapos ng insidente. Nagkaroon siya ng komplikasyon sa may bandang abdomen kung saan tumama ang bala ng baril. Maraming dugo ang kinailangan isalin sakanya noon.

At ngayong lumabas na nga ito ng ospital, wala naman itong ginawa kung hindi mag-mukmok sa kwarto kaya lalong hindi nasasanay ang katawan niya sa paglalakad.

Mas lalo itong nawalan ng gana magsimula noong napansin niya na never bumusita sakanya si Bridgette. Palagi nito itong tinatanong saakin pero sabi ko na lamang e baka busy dahil nadin opisina. Pero di kalaunan ay nalaman din nito ang lahat dahil siya mismo ang nagtanong-tanong sa mga nurses nito noong isang beses na lumabas ako ng kwarto niya at bumili ng makakain sandali sa labas. Doon, nalaman niya na pagmamay-ari ni Bridgette ang hospital, na si Bridgette ang namili ng kwarto niya pati nadin ng mga magiging nurses nito at na isang beses lang nila nakita si Bridgette, kung kailan dinala noon si Chelsea sa hospital at hindi na ito bumalik pa kahit kailan.

Kahit hindi sabihin saakin ni Chelsea, nararamdaman ko na sobra itong nasasaktan. Nararamdaman ko din naman na mahal nila ang isa't isa. Sa maikling panahon na nagsama ang mga ito, sa mga panahon na nakakasama ko sila, nakikita ko yung pagkakaiba ng normal na ngiti ni Chelsea at ng ngiti ni Bridgette kapag kasama niya si Hane.

Ang hirap naman kasi ng sitwasyon ng dalawa. Lalong lalo na ang sitwasyon ni Bridgette—siya ng Congresswoman ng probinsiya at may asawa din siya. Imagine, lahat ng mga mata ay nakamasid sakanya.

Naiintindihan ko din naman si Bridgette kung bakit hindi na muli siya nagpakita. Gusto niyang protektahan si Chelsea. Alam ko, nararamdaman ko, na sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa best friend ko.

Umupo ako sa tabi ni Chelsea at hinawakan ang mga kamay nito, "Bes"

hindi ito sumagot, ni i-angat man lang ang mukha ay hindi niya ginawa.

Lumuhod ako sa harapan nito para makita ko ang mukha niya.. turns out e umiiyak pala siya.

Niyakap ko ito at mas lalo itong naiyak. I was taken aback noong humagulgol ito sa balikat ko at niyakap ako ng mahigpit, "p-pasensya k-kana b-bes a-a-ahh.."

"shh... wag kana magsalita. sige iiyak mo lang"

Ganoon ang posisyon namin ng ilang minuto bago ito kumalas sa yakap ko. Pinunasan ko naman ang mga luha niya at saka inangat ang tingin.

"Wag kana umiyak, sayang yung ganda oh" pagbibiro ko

"Sorry. Hindi kona kasi alam anong gagawin ko" lumuha nanaman ito ulit. "Sobrang nahihirapan ako. Ang sakit nito *tapos tinuro ang parte kung saan ito nabaril* tapos eto *at itinuro ang binti* tapos mas masakit ito *turo niya sa puso niya*"

Niyakap ko nanaman ito.

"I'm sorry if I'm like this. I know all of you are here to help and guide me pero I am really in deep hole right now and I know that ang makakatulong lang saakin ay ako. Pero I don't know how. I feel so helpless"

"Pwes. Wag mo kaming pigilan. Obey. Wala naman kaming gagawin sayo kung hindi lang yung mga bagay na alam naming makakatulong sayo" at pinunasan ko nanaman ang luha nito. "Sa susunod na araw, flight mona to go to Spain with your family. That's your chance para makapag-unwind and makalayo-layo sa lugar na ito"

We stayed like that ay maya maya pa ay napag-pasyahan namin na bumalik na siya sa kwarto niya para makapag-pahinga.

Bumaba ako ng mansyon nila at nadatnan ang Kuya Alejo nito na nasa may garden area.

"How's CJ?" tanong nito.

"Well, no progress. Pero she opened up to me at some point and I guess you guys going back to Spain for awhile is a good idea.. para hindi niya masyadong naaalala ang nangyari dito sa Pinas"

"Wala kang balita kay Bridgette?" tanong ulit nito.

"Wala, Kuya. Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap" sagot ko naman. Alam ni Kuya Alejo na mayroong namagitan kay Chelsea at Bridgette—siya mismo ang naka-alam. Doon palang pala sa hall kung saan nagbibilang ng boto bago ang insidente ay napansin niya kung paano tumingin si Bridgette kay Chelsea ng hindi nito namamalayan. At mas lalong kinutuban si Kuya Alejo noong sa hospital na dahil sobra kung magalala si Brodgette noon.. lalong lalo na noong isusugod pa lamang sa hospital si Chelsea dahil siya na mismo ang sumakay at sumama sa ambulance. Hindi na siya binawal ng mga respondents dahil siya first respondent at ang may hawak sa sugat ni Chelsea at nagbibigay pressure dito para hindi lalong dumugo.

"Mabuti naman" mapait na sagot nito.

Nagtaka ako sa sagot nito pero hindi na ako nagtanong pa.

Nang sumunod na araw, nadatnan ko na nanunuod si Chelsea ng movie na Elisa and Marcela. At ayon ang gaga, walang ginawa kung hindi umiyak ng umiyak—mapa happy or sad ang scene.

Matapos noon ay tinulungan ko siyang mag-empake ng mga kailangan niyang dalhin. Tho hindi naman marami dahil konti lang ang damit nito at mayroon naman itong mga gamit sa bahay niya sa Spain. Mayroon kasi itong sariling bahay doon at hindi na ito nakatira sa mansyon ng parents niya.

"Hindi kaba sasama?" tanong nito habang nakatingin sa laptop niya.

"Hindi. Pero dadalawin kita.. soon. May mga kailangan muna akong asikasuhin dito sa kumpanya. I will visit you, I promise"

"Okay. Promise yan" she smiled at bumalik na ulit ang tingin sa laptop screen nito.

Hay nako Chelsea. Bumalik kana please.

Kinabukasan ay umalis na ito kasama ang kaniyang Mama, Kuya Alejo at ang family nito at pati ang kapatid nitong si Alex. Naiwan muna si Tito dahil kailangan muna niyang asikasuhin ang mga papeles.

Ako naman ay umalis nadin at dumiretso pabalik ng Maynila kung saan ang kumpanya ng parents ko.

Habang nagbi-byahe ay nakaramdam ako ng gutom at naalala kong hindi pala ako nag-almusal dahil nagmamadali ako sa pagbalik ko sa Manila. Napagdesisyunan ko na bumaba sa isang restaurant at kumain.

I was waiting for my order noong napansin ko ang dalawang babae na pababa ng sasakyan. And I gurantee you, ready akong manampal right at that moment kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko.

Si Bridgette, bumaba sa driver's side at may kasamang matangkad, mestiza at magandang babae. Take note, magka-holding hands pa sila sa pagpasok ng restaurant kung nasaan din ako.

Hindi ko inalis ang mga nagbabaga kong titig sakanila. Kung nakakabutas lang ng balat ang pagtingin, malamang kanina pa walang buhay tong malanding to.

Kaya naman pala hindi ko mahanap, busy sa ibang babae.

Muntik na akong matawa pero pinigilan ko lang noong bigla niyang inalis ang kamay ng babae sa kamay niya noong napansin niya akong nakaupo sa di kalayuan.

"Mari" pagbanggit niya sa pangalan ko. Hindi ko siya sinagot o nginitian bagkus at tinaasan ko lamang ito ng kilay.

Napaka-accurate ng lugar kung nasaan ako ngayon. Makati.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon