KABANATA 1

28.1K 370 29
                                    

AGAD akong napabangon sa higaan dahil pakiramdam ko ay parang  binibiyak ito, hindi ko narin napigilan ang mapainda dahil hindi ko na makayanan ang sakit na dulot nito.

Dali-dali ko namang sinariwa ang nangyari bago ako mawalan ng malay noong magkaroon ng pagsiklab sa pagitan ng mga rebelde at guardia civil.

Pakiramdam ko ay tinutusok ng ilang libong karayom ang puso ko at hindi ko na rin napigilan pa ang pagbagsak ng aking mga luha nang bumalik sa isipan ko ang huling pagtatagpo namin ni Juanito sa simbahan ng Plaza Santo Tomas. Perpekto ko pa ring naaalala ang kaniyang wangis, boses, tindig at mga ngiti sa aking isipan. Ang lahat ay tila sariwa pa lamang sa aking mga ala-ala at sa palagay ko ay hindi pa handa ang aking isipan na kalimutan ang lahat.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at nilibot ang aking mga mata sa loob ng kwarto kung nasaan ako kasalukuyang nagpapahinga ngayon, agad naman akong napabalikwas dahilan upang mahulog ako sa kama nang mapagtantong nasa silid ako ni Carmelita! Ang pagkakaayos nito ay katulad pa rin bago namin lisanin ang hacienda Montecarlos noong magkaroon ng kaguluhan sa San Alfonso.

Hindi ko alam pero parang nagkaroon ako ng pag-asang nasa taon pa rin ako kung saan nabibilang si Juanito, ang taong 1892. Imposible! Alam kong hindi maaring mangyari ang bagay na iyon dahil natapos na ang misyon ko.

Hindi nag tagumpay si Carmelita sa pagpatay kay Juanito.

Maaring nasa bahay lang ako ni Lola Carmen, ganito rin ang ayos ng kwartong ito noong bumisita kami rito nila Dad, Jenny at Emily para mag bakasyon.

Nakahandusay parin ako sa sahig nang bumukas ang pinto ng kwarto. Napangiti ako kahit papaano dahil handa na akong salubungin ng mahigpit na yakap ang totoo kong pamilya. Sa wakas ay makikita ko na ulit sila . Agad akong lumingon ng may ngiti sa labi upang masaksihan kung sino ang nasa pintuan.

Hindi ko inaasahan ang aking nakikita, tila tumigil ang pagtakbo ng oras nang magtama ang aming mga mata, halos mabaliw na rin ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito na tila ba nais nitong kumawala mula sa aking dibdib.

Hindi ako nagkakamali.

Malinaw ang aking mga paningin at alam kong nasa tama parin ang aking pag-iisip.

Ang taong iyon na nakatayo sa tapat ng pintuan ay ang nag iisang lalaking bumihag ng aking puso at nagpapabilis ng tibok nito.... Si Juanito.

*****

ILYS1892: 19TH CENTURY

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon