Chapter 19

28.6K 1K 36
                                    

Chapter 19

Hindi ako nakapagsalita. Umupo ako sa kama at bumalik sa isip ko ang lahat nang nangyari noong isang gabi.

Napapikit ako nang muling kumidlat. Naramdaman ko na tinabihan niya ako.

"Hindi ako matulog," aniya.

Nagmulat ako dahil doon. Nilingon ko siya at deretso ang tingin niya sa bintana.

"I remember him when it thunders."

Wala sa isip ko na magbubukas siya ng usapan tungkol sa namayapa niyang ama.

"Kahit hindi ako takot sa kulog, pinupuntahan niya pa rin ako sa kwarto ko kapag umuulan." Tipid siyang ngumiti. "Alam kong ako ang paborito niyang anak."

Bumuntonghininga ako. My eyes dropped to my lap.

"Kaya kita pinuntahan. I just felt like I needed to just like what he always did when I was a kid."

"Hindi ako takot sa kulog o kidlat." Pakiramdam ko ay kahit papaano concerned siya sa akin. "Salamat sa pag-aalala."

Tumayo siya pero hindi ko na siya tiningnan. Napangiti ako nang sumara ang pinto.

Kinabukasan ay maaga akong naligo at naghanda dahil kailangan naming bumalik sa Hasse. May mga aasikasuhin pa si President doon.

Naamoy ko ang niluluto sa kusina kaya doon ako dumeretso. Nagluluto siya at wala siyang suot na pang-itaas.

Lalabas na sana ako nang nagsalita siya. "Have a sit and wait for me to finish this."

Napalunok ako at muling umikot. Naghanap ako nang mauupuan. Sumandal siya sa counter at may iniinom siya.

Hindi ko na napigil ang sarili na tingnan siya. He looked so manly as he sipped on his cup of coffee. Napalunok ako dahil sa paggalaw ng adams apple niya.

Umangat ang tingin ko at agad akong nagbawi dahil nakatingin pala siya sa akin. "Gusto mo ba ng tulong?"

"No need. Matatapos na ako."

Totoo nga at saglit lang ay natapos siya pagluluto. Inihanda niya ang mga usual na pagkaing pang-agahan. Naglagay siya ng plato sa harapan ko. Pagkaupo niya ay agad akong kumuha ng bacon at sumandok ng kanin.

Hindi ko siya kinausap at mabilis na tinapos mag-agahan. Lumabas ako ng bahay at sumandal sa kanyang kotse. Pinaypayan ko ang sarili.

Saglit lang akong naghintay at lumabas siya nang nakabihis na pero basang-basa pa ang buhok. He walked towards me and opened the car's door.

Sumakay ako at pinanood ang kanyang pag-ikot. "You didn't need to hurry," I told him as he hopped in.

Hindi niya ako nilingon man lang. Binuksan ko ang bag ko at kinuha rito ang panyo. Nagsimula na siyang mag-drive ay hindi ko pa rin magawa.

Malayo na kami sa bahay nang sa wakas ay gumalaw ang kamay ko at pinunasan ang tubig na tumulo sa kanyang mukha. Batid ko ang gulat niya pero pinagpatuloy ko ang ginagawa.

"I have a hair dryer." Binawi ko ang kamay at ibinalik ang panyo sa aking bag. "Sana ay hiniram mo muna sa akin. Hindi 'yong parang hindi ka man lang nagpunas ng buhok mo."

He cleared his throat. "I don't know how to use such thing. Hindi ako babae."

Pinigil ko ang pagngiti. "Hindi lang babae ang gumagamit nang ganoon." I fished out my phone from my bag. "May mga lalaki nga na nagme-makeup, lalo na sa ibang bansa."

Naramdaman ko ang mga mata niya sa akin. Nilingon ko siya at nakakunot ang kanyang noo. Bumuka ang kanyang bibig pero wala siyang sinabi. Naiiling siyang ibinalik ang tingin sa daan.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon