Untitled Part 22

2.3K 107 0
                                    


NGUNIT nakapag-enroll at nag-aaral na muli si Sari ay hindi pa rin ito nagbubuntis, sa pagkadismaya ni Aldon. Sa gabi, he couldn't just reach out to her when he wanted her. Dahil busy sa assignments si Sari. Naranasan na rin niya ang mag-dinner ng de-lata, lalo na kapag may exams ang asawa, dahil hindi niya gusto ang mga luto ni Meding.

At kapag frustrated siya, vulnerable siya kay Dorcas at nasusumpungan na lang niya ang sariling kasiping ang babae. Discussing the same thing over and over—ang annulment nila ni Sari. At pinagsasawaan na niya iyon. Ngunit tila walang balak si Dorcas na kalimutan iyon. Ang nangyayari ay sumasang-ayon na lamang siya sa mga sinasabi nito. And each time he realized that he'd slept with her again, nagsisisi siya at mangangakong hindi na makikipagkita sa babae.

"When are you coming back?" tanong ni Dorcas habang nagbibihis si Aldon.

"I'm not coming back, Dorcas. Let's end this," aniya, wondering why the words came so easy. Ngunit si Dorcas ay hindi makapaniwala. Nanatili itong kalmado at hindi nagpahalata ng nararamdaman.

"Ikaw ang bahala. Besides, I'm also tired of this whole thing!"

"I'm sorry, Dorcas. I really am so sorry..."

"Don't be sorry, silly. I'm a grown-up woman." And I know how to get even. At isinuksok nito ang kamay sa ilalim ng unan, kinapa ang maliit na tape recorder doon. I'm a lawyer. I know the importance of evidence, anito sa sarili.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now