"Ellaine. . Jane. . Michelle. . Althea. . And Trix"
Iyon pala ang mga pangalan nila. Nagtingin kaming lima at nagngitian. Natigil ako sa pakikinig nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Mary Calmer, nakita siya ng ibang mga tao na nandoon at bumeso sila sa kanya. Nag aabang ako kung kasama ba niya si Jacob dahil kung ganon ay aalis na ako kahit nasa stage pa ako ngayon.
"Althea. . . Althea. . Congratulations" naririnig ko iyon ngunit naipako ang mga mata ko sa bagong dating.
Bumukas ulit ang pinto at bumungad sa akin si Jacob. . Ang mga mata niya ay kasing lungkot at galit parin nang huli kaming magkita. Pakiramdam ko ay nakikita ko ang kung anong nasa isip niya. Nagtama ang paningin namin kaya't binawi ko kaagad ang tingin ko. Damn. His stares are cold as ice.
"Althea" tinawag ulit ng babae ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kanila.
"Congratulations. You passed" wika niya sa akin.
"We'll just call you for the last round" wika niya sa akin pagbaba ko sa stage.
Kinuha ko ang card na ini aabot niya. Nahanap ng tingin ko si Vince na ngayon ay nakatayo na at nakatingin sa akin ng may pag aalala. Nasa likuran siya ni Jacob kaya't hindi ko alam kung saan ako dadaanan para makapunta sa kanya. It seems like God heard my prayers, naglakad palapit si Vince sa akin at inabutan niya ako ng tubig.
"Shall we go?" Tanong niya pa.
Mahina akong tumango. Hindi ko na makayanan ang paglingon dahil pakiramdam ko ay maraming matang nakatingin sa akin.
"Vince. . Umuwi na tayo" mahinang wika ko.Hinawakan naman ako ni Vince sa magkabilang braso at iginaya sa gilid. Hindi ko makita si Jacob dahil naka talikod na ako.
Damn this heart. Nabibingi ako dahil sa lakas ng tibok nito.
"Mag uusap pa daw iyong mga nakapasa mamaya, may sasabihin yong organizer" bulong ni Vince sa akin.
Naupo ako sa upuan kung saan naka upo si Vince kanina. Hindi ko alam pero bigla akong pinang hinaan ng loob. Parang gusto ko nalang umalis doon at umuwi nalang. Ang bigat ng pakiramdam ay naramdaman ko na naman..pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit biglang nawala nalang si Jacob sa akin. Bakit bigla siyang nagbago. Bakit? O ako lang talaga ang nag iisip na minsan ay minahal niya ako kahit alam ko na plano lang nila lahat ng iyon.
"Vince" pagtawag ko sa kanya. Damn these eyes. Pakiramdam ko ay umiinit ang gilid ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay iiyak na ako.
Hinawakan ko sa palapulsuhan si Vince na agad dumalo sa akin. Nasa sulok lang naman kami at medyo madilim. Ang mga tao naman ay abala sa pakikipag usap kay Jacob at sa . . . Girlfriend niya.
Tumingin ako sa kanila at nakitang ngiting ngiti ang mga dayuhan habang nakikipag usap sa kanilang dalawa. Si Mary ay nakangiti rin samantalang si Jacob ay tipid na sumasagot at ngumingiti.
Nang mapatingin siya sa banda ko ay agad akong nag iwas ng tingin. Hindi ko maintindihan.
"Vince. . Mag. Magpapaalam lang ako. Sasabihin ko na masama ang pakiramdam ko"
Tumayo ako at nagpunas ng nagbabadyang luha. Taas noo akong dumeretso sa kumpulan dahil magpapaalam na ako.
"Ma'am" nakuha ko naman kaagad ang atensiyon niya kaya nabali ang pakikipag usap niya sa mga bagong dating. Maski sila ay natigil sa pagsasalita at napatingin sa akin. I can't look at them right now. Gulong gulo ang utak ko.
"I'm sorry but I need to go. Something came up" pagdadahilan ko.
Ngumiti naman ang babae at tumango.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...