CHAPTER 24

79.8K 2.2K 307
                                    

Chapter 24

"H—HINDI ko sinasadya. Hindi ko sinasadya, Marga!"

Nanginginig ang bawat buto sa loob ng aking kalamnan. Halos hindi ako makahinga sa bilis ng tahip ng aking dibdib. Hindi ko sinasadya pero kasalanan ko kung bakit siya nahulog sa hagdan. Kasalanan ko kung bakit siya nag-aagaw buhay ngayon.

"Besh, kumalma ka lang. Huwag mong i-stress-in ang sarili mo. Tandaan mong buntis ka. M—magiging maayos din ang lahat, okay? T—tahan na..."

Niyakap ako ni Marga habang pareho kaming umiiyak. Sinugod  sa pinakamalapit na ospital si Tita Leticia. Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko kanina at hindi ko na alam kung paano sila nakaalis sa mansyon patungo sa ospital. I saw how Sid carefully carried his Mom—full of blood. Malakas ang pagkakabagok niya sa puno ng hagdan at natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya.

Diyos ko, huwag naman sana. Kahit ayaw sa 'kin ni Tita Leticia ay hindi ibig sabihin no'n na ginusto kong mapahamak siya. Nirerespeto ko siya katulad ng pagrespeto ko kina Mama at Papa.

"M—marga, paano kung malala ang lagay niya? P—puntahan natin siya, please? G—gusto kong malaman ang kalagayan niya. N—natatakot ako. Hindi kakayanin ng konsensya ko. M—makukulong ako, Marga. Oh, God!"

Impit akong humagulgol. Iniisip ko pa lamang ang mangyayari sa akin ay parang pinapatay ako sa takot. Handa akong panindigan ang kasalanan ko pero hindi ako handa para kina Mama at Papa, sa kapatid, at sa magiging baby ko. Paano na sila kapag nakulong ako? Mahihirapan sila.

"Serenity, huwag nang matigas ang ulo. Buntis ka. Kung hindi ka concerned sa sarili mo, atleast kahit sa bata na lang na nasa tiyan mo. Bawal sa 'yo ang stress kaya't dito ka lang, okay? Huwag kang mag-alala, babalitaan kita. Dito ka lang."

Marahan akong hinawakan ni Marga at pinaupo pabalik sa sofa.

"Besh, please lang, huwag kang masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Nandito lang ako para sa 'yo. Tahan na..."

But how can I stop crying when Marga's crying with me as well? Alam kong may mali at hindi ako mapalagay hangga't hindi ko nalalaman ang kalagayan ngayon ni Tita Leticia. Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong masiguro na okay siya.

"S—sorry, Marga. Pero hindi ako patatahimikin ng konsensya ko. Kailangan kong pumunta sa ospital. Kahit silip lang, kahit saglit lang, matatahimik na ako."

"Pero, Serenity..."

"Si Sid. Kailangan niya ako. Kailangan niya kami ng magiging baby niya. P—puntahan natin siya please?" I begged.

Marga sighed in defeat. Niyakap niya ako nang mahigpit at dahan-dahang tumango pagkakalas niya sa 'kin. Ngumiti ako sa tuwa kahit hilam sa luha ang aking mga mata.

Hindi na ako nag-abalang ayusin ang sarili ko. Magulo ang aking buhok at namumula ang ilalim ng aking mga mata. Gano'n pa man ay hindi ko magawang bigyan ng halaga ang ayos ko. Gustong-gusto ko na agad makarating ng ospital. Gusto kong makita si tita at makausap si Sid.

Dumiretso ako sa backseat ng kotse ni Marga, habang katabi naman niya ang kanilang driver. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay. Para bang hindi ako makapaghintay na makarating sa pupuntahan. Sinusubukan kong kong pagaanin ang pagtahip ng aking didbib ngunit hindi ko magawa. The image of Tita Letica helplessly falling off the stairs keeps on playing in my mind. Tila nakakulong ang malakas na sigaw ni Sid sa aking tainga na hanggang ngayon ay tila dinig na dinig ko pa.

Halos takbuhin ko ang entrance ng ospital pagkababa ko ng kotse. Hindi ko inalintana ang pagtawag sa 'kin ni Marga.

"Dahan-dahan naman, Serenity!"

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon