CHAPTER 25

90.4K 2.7K 332
                                    

Chapter 25

"CONGRATULATIONS, anak!"

"Congratulations din sa inyo, Ma at Pa. Kayo talaga ang dahilan kaya nakamit ko ang diplomang ito. Kung hindi dahil sa sakripisyo ninyo at suporta hindi sana ako nakapagtapos."

"Naku, anak, pinaghirapan mo rin naman 'yan lahat dahil sa scholarship mo. At hindi lang basta diploma ang nakuha mo, with Latin honor pa," proud na sabi ni Papa.

I felt satisfied when I saw the happiness on my parents' faces. Ito ang pangarap nila para sa amin ng kapatid kong si Kyesha, ang makapagtapos ng pag-aaral. Kahit na malaki ang isinakripisyo nila para sa 'kin ay lagi pa rin nilang sinasabi na hindi ko sila kailangang suklian dahil hindi ko obligasyon. Pero hindi ko naman kayang iwan sila sa ere pagkatapos ng lahat. I feel obligated to return the favor. Mahal ko sila.

"Congratulations, Marga..." sabi ni Mama sa bestfriend ko.

"Thank you, Tita. Congratulations din sa inyo," tugon ni Marga at inakbayan ako.

"Congratulations, besh. Ngiti naman d'yan kahit konti. Ipakita mo naman na masaya ka. Sa lahat ng graduates, ikaw lang ang hindi masaya," mahinang bulong niya.

Medyo close na rin ang mga magulang ko kay Marga dahil dati ko pa siyang naipakilala nang minsang sumama siya sa 'kin pauwi ng Bicol.

I tried to flash a smile. "Congrats, besh!"

"Ay, ang hilaw ng ngiti, peste."

Sumimangot si Marga at madiing ngumiti. Binati ko rin 'yung ilan sa mga ka-blockmates ko at mga kakilala. Nang makasalubong ko si Chair Elza ay binati ko na rin siya.

Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para maipakitang masaya ako pero hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang katotohanang hindi kompleto ang aking kaligayahan nang dahil sa isang tao.

Dapat ay masaya ako sa araw na ito. He'd been wanting for this day to come. Naalala ko pa ang mga araw na mas excited pa siya sa akin na gumradweyt ako. Ngunit nang sa wakas dumating na ang araw na hinihintay niya'y ni anino niya ay wala.

Sabagay, bakit naman siya pupunta sa taong naging dahilan kung bakit nakaratay ngayon sa ospital ang Mommy niya? It's been three days since Tita Leticia has been admitted. Ngunit hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung may malay na siya. Sid did not show up on me.

"Congratulations, ate Serene!" tili ni Kyesha at niyakap ako.

"Thank you, bunso." Ginulo ko ang kanyang buhok.

Dumiretso kami sa bahay nina Marga dahil in-invite niya kami sa munting salu-salo ng family niya. Ang totoo niyan may sarili kaming salu-salo kasama ng pamilya ko kaya lang nagpumilit si Marga na doon na lang daw sa kanila para isahan na lang.

Pumayag na lang din sina Papa at Mama sa pangungumbinsi niya. Si Kyesha tuwang-tuwa kasi first time niyang makasakay ng kotse. Aba! Halos hindi na bumaba! Natawa na lang sina Mama sa kanya.

"Hindi bale na, kapag mayaman na si ate bibili rin siya niyan, 'di ba, ate?" patanong niyang sabi nang tuluyan na siyang makababa.

"Oo naman, kahit limang kotse pa."

She giggled to my response.

Maraming putahi ang inihanda ng mga magulang ni Marga. Hinayaan naming magkuwentuhan ang mga matatanda habang kami naman ay nag-usap dito sa labas.

"Congrats ulit, besh."

"Thanks, Marga. Isa ka rin sa mga dahilan kaya narating ko ito," I responded genuinely.

"Sus, drama. Pero, ito, seryosong tanong lang, alam na ba nina Tito at Tita na dalawa ang diploma mo?" aniya.

Nangunot naman ako. Inginuso niya naman 'yung tiyan ko. Nang maintindihan ko ang ibig niyang ipahiwatig ay sunod-sunod akong umiling.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon