KABANATA 6

7.8K 136 38
                                    

NAUNA nang sumampa si Juanito sa bangka. Inilahad niya pa ang kaniyang palad sa akin at inalalayan ako na sumakay sa bangka. Mag-aalas sais palang ngayon ng umaga kung kaya't hindi pa ganoon karami ang nasakay at nagtutungo sa bayan.

Siguradong mamimiss ko ang sumakay muli rito. Tahimik na ang lawa sa makabagong panahon at wala na ring masyadong tao sa parteng ito. Kung mayroon man ay mga tao na lamang na walang mapagtayuan ng kanilang sariling bahay. Marumi na rin ang lawa sapagkat patuloy ang pagtatapon ng basura ng mga tao rito.

Nabigla ako nang hawakan ni Juanito ang kamay ko. Nakangiti lang siya at kunwaring nagmamasid sa tubig, iniiwasan niyang tumingin sa akin. Maya-maya pa ay naramdaman kong nag iinit nanaman ang pisngi ko. Gosh! Namumula ako, nakakahiya!

Parehas kaming walang imik habang nakasakay sa bangka at magkahawak ang aming mga kamay.

Mga ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bayan. Agad akong inalalayan ni Juanito pababa at sabay kaming nag lakad-lakad. Nakatutuwang pagmasdan ang mga tao rito ang sisigla nila habang nagpapalitan ng ngiti at pagbati sa isa't-isa. Napansin ko rin na maraming tindahan ang nakasara habang ang iba naman ay sira-sira na dahil sa nangyaring kaguluhan nang lumusob ang rebeldeng grupo.

Medyo kampante na ang ilan na lumabas dahil may mga guardia civil ang mga nakabantay upang mapanatili ang kapayapaan.

"Nais mo bang magtungo roon?" Turo ni Juanito sa tindahan ng mga pampaganda noon nila Aling Trinidad na ngayon ay iba na ang nag namamahala. Ganoon pa rin naman ang kanilang mga tinitinda.
Tumango ako habang nakangiti bilang sagot kay Juanito kaya't naglakad na kami patungo sa tindahan.

Nakasuot ako ng puting balabal na tinahi para sakin ni Donya Soledad habang si Juanito naman ay nakasuot ng sumbrerong gawa sa banig upang walang makakilala sa amin.

Agad naman siyang binati ng batang babaeng tagapagbantay ng tindahan. Siya pala ang anak ng may-ari ng mga palamuti at pampaganda.

"Kuya Juanito!" Bati ng bata sa kaniya na sa tingin ko ay nasa sampung taong gulang pa lamang. Napatingin ito sa akin at dali-daling bumulong kay Juanito na narinig ko parin naman.

"Siya po ba ang binibining ikinukwento niyo sa akin noon na nais niyong bigyan ng-----"

"Shhhh" agad na suway sa kaniya ni Juanito habang nakalapat ang kaniyang hintuturo sa kaniyang mga labi na naka 'shhhhh' o tahimik sign.

"A-ano bang pinaguusapan niyo?" pagtataka kong tanong.

"Huh?! ano--kasi po--ano wala lamang po iyon binibini." natatarantang sagot agad sa akin ng bata. May pagka weird din pala ang mga bata sa panahong ito. "Ano po bang nais niyong bilhin sa mga pampagandang ito."

"Ahh w-wala naman nais ko lamang tumingin tingin dito" sagot ko habang nakatingin sa mga pampaganda at mga ipit. Ayoko namang mag abala pa si Juanito sa pagbili ng mga gamit para sa akin. Tsaka marami rin namang ganito sa kwarto ni Carmelita.

Napatingala ako nang biglang isuot ni Juanito sa akin ang isang gold laurel wreath hair clip. Sobrang ganda nito!

"Bagay na bagay po sa binibini iyan, ginoo."

"Talaga? Kung ganon ay bibilhin ko ito para sa kaniya."

Nagulat ako sa sinabi ni Juanito. Nakasisigurado akong sobrang mahal ng halaga ng hair clip na 'yon.

"Huwag na. Ahh.. ang ibig kong sabihin ay ayos lamang sakin kahit hindi mo na ako bilhan ng mga bagay na iyan. Mayroon pa naman akong mga palamuti sa bahay." saad ko ngunit walang sinabi si Juanito. Ngumiti lang siya tsaka ipinabalot sa batang babae ang hair clip.

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon