Volume 2 CH 40: Flashback

1.2K 34 8
                                    

Flashback---

'Ver bilis naghihintay na satin si Kyrell' bulalas ng isang batang babae na nasa gitna ng palayan at may hawak hawak na isang basket

'Arlea dahan dahan lang baka ika'y madapa' ani naman ng kasunod nitong lalaki na halatang hirap na hirap sa pagdaan sa damuhan.

'Kumapit ka na nga sa kamay ko Ver ang bagal bagal mo' sabi ng batang babae sabay lahad ng kamay nito.

Di naman malaman ng batang lalaki kung tatanggapin nya ang kamay nito. Nagiging kakaiba kasi ang tibok ng puso sya pagmagkahawak o magkalapit sila ng batang babae.

Pero mas nanaig ang lukso ng kanyang damdamin at agad na hinawakan ang kamay ng babae. At mas lalo pa atang namula ang batang lalaki ng ngumiti sakanya ang babae.

'Kyrell, Kyrell nasan ka na? Nagdala ako ng mga mansanas para sayo!' sigaw ng batang babae pagkarating nila sa di madamong parte ng palayan.

'Ar-lea' bigkas naman ng batang lalaki na kakalabas palang sa isang kawayang bahay. Nakabalabal itong itim at walang sapin sa paa.

At dahil dun ay binitawan ng batang babae ang pagkakahawak sa kamay ng lalaki at sabay na tumakbo papalapit sa batang nagngangalang kyrell.

'Tadah! Dinalan kita ng marami para pede mo akong hatian' masayang masayang sambit ng batang babae sabay pakita ng isang basket ng mansanas.

'Sa-lamat' sagot ng lalaki.

'Wala ka na naman sapin sa paa? Nasan yun binigay ko kahapon?'

Tinuro naman ng lalaki ang loob ng kawayan bahay bilang sagot. Sa kabilang dako naman ay nakatanaw lang sa dalawa ang batang si Silver. Hindi nya maitindihan ang nararamdaman habang pinagmamasdan ang dalawa.

At higit sa lahat di nya mapaliwanag ang kirot na nararamdaman ng kanyang dibdib sa tuwing nakikita nya masaya ang babae sa lalaking yun.

'Ver okay ka lang?' biglang nagising sa realidad ang batang si Silver ng narinig nyang sumigaw ang batang Arlea. Di nya pala na pansin na nakatitig na sya sa kawalan.

'Sabi ko pasok na tayo para makain na natin itong mga mansanas' yaya pa nito at dahil dun agad agad na naglakad si silver papasok kasabay nina Kyrell at Arlea.

'Alrea baka hanapin ka na ng iyong ina at ama' paalala ni Silver pero mukhang giliw na giliw ang batang si Arlea sa paglalaro nila ni Kyrell.

'Ilang minuto na lang Ver, o kung gusto mo sumali ka samin ni Kyrell. Promise masaya ito' ani ni Arlea pero umiling iling ang batang si Silver na nakaupo katabi ng isang puno.

'Umuwi ka na Arlea pede pa tayong maglaro muli bukas' biglang pagyaya ni Kyrell. Ngumimangot ng bahagya ang mukha ng batang babae pero kahit anong mangsabihin ni Kyrell ay sinusunod nya.

'Pero gusto ko pang makipaglaro sayo' ani ni Arlea na nakabusangot ang mukha. Pero ginulo gulo lang ni Kyrell ang buhok nito. At dahil dun ay di mapigilan ni Arlea hindi ngumiti

'Bukas na nga lang ulit Kyrell. Paalam' bulalas ni Arlea habang winawagayway ang kanyang kamay.

'Paalam Arlea, paalam Silver' paalam naman ni Kyrell pero isang mapaklang ngiti lang ang isinagot sa kanya ng batang si Silver.

Silver's Pov

' Baliw na ata ako, natataranta na ko pagnawawala ka sa paningin ko. Kung ano ano na naiisip ko pag di kita mahanap. What if may nangyari na naman masama sayo, what if kunin ka naman ng kung sino sakin at yung kinatatakot ko ay yun di na kita maligtas. Yung tuluyang mawala ka na sakin 'rinig ko sabi ni Zack kaya di ako tumuloy papunta sa kanilang kinalalagyan.

Nung nakita ko kasing hinihitak ni Zack si Raven ay agad ko ito sinundan. Balak ko sanang agawin dito si Raven ngunit di ko nagawa dahil sa mga narinig ko.

' At yun makita kitang nahihirapan o nasasaktan di ko maintindihan pero nasasaktan din ako. Ginawa mo kong paranoid! Sinubukan kong pigilan ang letcheng nararamdaman kong ito pero pag tuwing nakikita kita mas lalo lang syang tumitindi' dagdag pa nito. At dahil dun ay may familyar na pakiramdam na biglang sumulpot sa isip at puso ko.

'Siguro napahaba ng sinabi kong yun kaya di mo maitindiha , kaya iiklian ko na lang'

'Mahal kita Raven' rinig kong sabi ni Zack kay Raven na nagpayukom ng kamao ko.

Bigla ko muling naalala yun kirot pagnakikita ko si Arlea at si Kyrell nung mga bata kami. Biglang nanumbalik sakin yun sakit at sikip ng dibdib pagnakikita ko syang may kasama ibang lalaki.

At dahil dun ay nakita ko na lang ang sarili kong lumalakad na paalis roon. Medyo pamilyar sakin ang eksenang ito kaya sa ikadalawabg pagkakataon ay ililigtas ko ang sarili ko. Ayoko ng masaktan muli sa mga maririnig lalo na sa sasabihin ni Arlea.

'Ayoko! Napaka unfair mo Kyrell nawalan nasakin ang pamilya ko pati si Ver, pati ba naman ang alaala ko sa iyo ay ipagkakait mo pa!'

'Please Kyrell!'

'Mahal kita Arlea'

'Mahal na mahal din kita K-kyre--'

I guess hindi talaga ako ang lalaki para kay Arlea lalo na ang lalaki para kay Raven. Kahit na sya at sya lang ang tanging babae para sakin.

Kahit anong gawin ko palagi na lang ako ang lalaking tatanawin lang sya sa malayo. Kahit anong panahon o si Arlea man sya o si Raven mananatili ako taga masid lang.

XXX
Legal wife ni Kim taehyung

Hi Guys mga ka potatoes! Sorry at lubos akong humihingi ng patawad sa pinaka late na UD. Medyo naging busy lang ako sa mga bagay bagay. (anime, manga, kdrama at kpop)
Ang dami kong distractionsss kaya di ko magawang mag sulat. Kaya patawad na mga kapotatoes.

Alam kong dito ito worth it sa paghihintay nyo pero sana magustohan nyo parin dahil nagdugo talaga lahat ng braincells ko dyan.

Salamat at iwabyu!

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon