Untitled Part 29

2.8K 138 8
                                    


SI SARI man ay hindi rin makapaniwala nang sabihin ni Ralph na lumipad patungong Spain si Aldon.

"Bakit siya pupunta roon?" tanong niya.

"Ako pa ang tinanong mo!" ani Ralph, sabay kamot sa kanyang ulo. Maliwanag na nagdamdam sa kanya si Aldon at wala siyang magagawa.

Ang tanging nagawa nito ay ang tanggapin ang proposal ni Sari. Nasa ikaapat na taon sa kolehiyo si Sari nang pormal na buksan ang S&A Advertising. Pinatunayan naman ni Sari na kaya nga niya ang magpatakbo ng negosyo. At impressed si Ralph dahil likas na creative ang babae.

"I never thought you would be creative."

"Dahil housewife lang ako? Well, maniwala ka sa akin kapag sinabi ko na wala na sigurong mas creative pa kesa sa mga housewives," buong pagmamalaking sinabi ni Sari.

ISANG linggo matapos ang kanyang graduation ay ibinaba ng hukuman ang desisyon. There was never any marriage between Aldon Latarde and Sari Sideco. Nangangahulugan iyon na walang dapat na asahang anuman ang babae. Ngunit tinupad ni Aldon ang sinabi nito sa sulat. Ang kalahati ng lahat ng ari-arian na naipundar nito noong nagsasama pa sila ay nasalin sa pangalan ni Sari.

'Donya' ang madalas na itawag sa kanya ni Ralph. At tinupad nito ang biro noon na siya ang gagawing modelo ng unang commercial na ipo-produce nila. Isang brand ng catsup na pumapangatlo lamang sa market ang inindorso ni Sari, dahil na rin sa kakulangan sa budget. Kesa nga naman bumayad pa ng modelo, si Sari na lang. Tutal naman ay hindi na nahirapan ang babae na gampanan ang role—isang housewife. Iyon nga lang, masyado siyang mukhang bata. Pero pasable na rin ang commercial.

Nakapag-produce na rin ang S&A ng award-winning na advertisement. Isang ad na bahagi ng PR program ng isang non-government organization. Ngunit hindi pa rin nila matapatan ang malalaking ad agencies. Gayunpaman, hindi rin sila pahuhuli sapagka't unti-unti na silang nakikilala ng mga kliyente.

At pagkatapos nga ng limang taon, matapos niyang lisanin ang kanilang tahanan, nakamit ni Sari ang tagumpay.

I've done something with my life, aniya sa sarili. At sinaid ang natitira pang beer sa bote. Nangangarap pa rin siya ng marami pang kaparis ng "Sekreto ni Lola." She could picture herself respected in the world of advertising. She could see giant billboards where her works were displayed. She could dream and dream and turn those dreams into reality.

But the greatest dream would remain a dream.

Why does it have to be for always? tanong niya sa sarili, nang magulat sapagka't pumitik si Ralph sa harap ng mukha niya.

"Snap out of it, okay?" anito.

"Ano ka ba?" angil niya.

"Naliligaw ka na naman sa wonderland where dreams come true and love is real," animo makatang tinuran ni Ralph.

"Shut up!"

"Alam mo, ang ganda mo. Kaya lang lagi kang nawawala sa sarili."

"Hindi ako nawawala, may iniisip lang ako."

"You never stopped thinking about him," saad ni Ralph.

Tiningnan ni Sari nang matagal si Ralph. "Tell me, did you tell him everything—I mean, that you and I are only friends?"

Tumango ang lalaki. "I've never stopped trying to convince him na wala nga tayong relasyon. He won't believe me. When the annulment was granted, inaasahan niyang magpapakasal tayo. It didn't happen. Nakumbinsi na rin siguro siya. Then I asked him to be my best man. Tinanggap n'ya," salaysay ng lalaki.

Iniisip ni Sari kung may dapat ba siyang ikabahala. Hindi naman importante kung may relasyon nga sila ni Ralph o wala. Ginawa lamang niya ang nais ni Aldon. Ibinigay niya ang kalayaan nito. He should be grateful, aniya sa sarili.

"He didn't marry her," si Ralph.

Natahimik si Sari. Matagal na niyang alam iyon. Dahil nabalitaan niyang nagpakasal na si Dorcas noong isang taon lamang. Abot ang kaba niya nang mabasa niya ang balita, dahil inaasahan niyang si Aldon ang groom. Ngunit gayon na lamang ang relief na naramdaman niya nang malamang hindi si Aldon ang lalaki.

Ngunit patuloy niyang iniisip kung ano ang maaaring dahilan at hindi nagpakasal ang babae at ang dati niyang asawa. Buong akala niya noong una ay sa Spain magpapakasal ang dalawa. Kaya gayon na lamang ang pagtataka niya nang malamang narito pa rin sa Pilipinas si Dorcas.

"I said he didn't marry her," ulit ni Ralph.

"So?" Pinandilatan lamang niya ang kaibigan. Kung ano man ang rason ni Aldon, labas na siya roon.

"So?" Pinandilatan din siya ni Ralph.

Ngumiti si Sari. "We were never married, remember?"

Semper FidelisWhere stories live. Discover now