Kabanata 4

18.8K 776 65
                                    

Kabanata 4

"Jared?"

Natigilan ako habang nakatitig sa lalaking pumasok sa elevator. I saw how his lips form into a smile and his eyes landed on Pete who's sleeping on Adam's shoulder.

"Who's this kid?" Curiosity is visible in his eyes.

Lihim akong napalunok. Please naman, Adam. Makisama ka!

"Oh? This is Pete. My son." If glares could kill, then Adam is probably lying on the floor. Dead.

"Really?" Reaksiyon ni Jared nang marinig ang sinabi ni Adam. "Then who's the mother? You didn't tell me that you're already married. Hindi ka man lang nang-imbita."

"Come on, Jared. Kung inimbita kita, alam ko namang hindi ka pupunta. Sobrang busy ka kay Kylie," sambit naman ni Adam.

"Alright." Kita kong sumandal ito sa dingding ng elevator. "Asan ang asawa mo?"

Oh, Dear. I will really kill—

"Right behind you." Remind me to kill this brute later.

Lumingon naman sa akin si Jared. Thank God I'm wearing mask and dark eyeglasses, he won't be able to see my tomato colored face. I swear to hell I'll kill Adam later.

"Hello," I bowed my head. Hindi rin naman niya ako makikitang ngumiti kasi nakamask ako.

"Hello," he replied with a small smile on his lips. God knows how I wish to hug this guy.

Sakto namang tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Ngayon ko lang din napansin na nasa 40th floor na kami. Maybe I'm just too preoccupied that I didn't even notice the floor number.

Naunang lumabas si Jared at sumunod naman si Adam. Wait, don't tell me— no way! It can't be!

Binuksan ni Adam ang isang pinto gamit ang keycard at pumasok dito. Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod. But before entering the room, I glanced at the person whom I've been longing for the seven years of my life and found him staring at me. Tumikhim naman ako at malaki ang hakbang na pumasok sa loob ng silid.

Sakto naman paglabas ni Adam sa isa pang pinto na sa tingin ko ay ang kwarto niya. Walang pagdadalawang isip akong naglakad patungo sa kanya at piningot ang kanyang tenga.

"Aray! Aray! Tasha, bitiwan mo tenga ko!" Pilit nitong inaalis ang kamay kong hawak ang tenga niya.

"Balak mo ba akong ipahamak?" nangangalaiting sambit ko dito.

"Malalaman din naman nila 'yan mamaya. What's the purpose of— ouch! Let go of my ear!" Tinignan ko ang tenga nito at napansing namumula na kaya binitiwan ko na.

Nakabusangot ako umupo sa creamy sofa niya dito sa loob. Tinanggal ko ang aking mask at sunglasses.bI roamed my eyes around his condominium. Black marbled floor, black curtains, glass centered table, blue marble vases beside the wide flatscreen TV. Everything is in color black and blue. Umupo naman siya sa tabi ko at in-on ang TV.

"Gutom ka na?" he asked, holding his reddish ear. 'Yan. Kulang pa nga 'yan, e.

"Yes."

"Then cook." Halos gusto ko na siyang hambalusin ng unan na sinasandalan ko. "Kompleto na sa gamit at mga ingredients ang kusina ko."

"Great," I murmured. "Magtatanong ka kung gutom na ako tapos ako rin pala paglulutuin mo."

He chuckled. "Kidding. Tatawag na lang ako sa resto sa baba. I know you're tired even if you're just sleeping the whole flight from New York."

Forgetting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon