CHAPTER 32

104K 3K 967
                                    

Chapter 32

HE'S now a star but full of scars. I caused him so much pain. Iniisip ko na kung hindi kaya ako sumuko dati ay hahantong sa ganito ang lahat?

Pakiramdam ko bumabagal ang usad ng bawat araw. Sa tuwing ipipikit at ididilat ko ang aking mga mata'y mukha niya ang nakikinita ko. Maybe because we never had any closure. I ignored his efforts. Nilamon ako ng galit. He left with a broken heart.

Pinagsisisihan ko ang mga araw na nanaig ang poot sa puso ko. Sumalampak ako sa damuhan saka hinaplos ang bawat letra ng kanyang pangalan sa lapida.

"P—patawarin mo ako kung hindi kita napatawad agad."

Minsan hinihiling ko na sana binibiro lamang ako ng pagkakataon tapos isang araw ay magigising na lang akong nasa harapan ko na ulit siya't bibigyan ako ng mga paborito kong bulaklak.

"Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ka mapapalitan ng sinumang lalaki dito sa puso ko. M—mahal pa rin kita. Mahal na mahal."

Dumapa ako at hinalikan ang kanyang lapida.

"H—hindi ko kaya. Gumising ka na, please..."

"Ahhh!" I screamed. Gusto kong ilabas lahat . Gusto kong ibalik ang oras pero paano?

"Ahhh!"

"Mommy! Mommy! Wake up! Daddy's here!"

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Napakadaya niya. Mas pipiliin ko pang lumayo siya sa amin para sa iba. Kahit gano'n makikita ko pa rin siya.

"Ahhh!"

"Mommy! Are you okay?"

"Mommy! Wake up!"

Naramdaman ko 'yung maliliit na kamay na humahaplos sa aking mukha.

"Mommy? Please wake up! Daddy! Help! Mommy's having a nightmare!"

"Love? Are you okay? Love, wake up. Hey, Love..."

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"Mommy? You're sweating."

"S—serenity, are you okay? We heard you scream."

Napasinghap ako nang matitigan ang mukhang nakatunghay sa akin. Wala sa sariling hinawakan ko siya sa pisngi.

Ipinikit ko ang aking mga mata at muling dumilat.

"Are you okay?"

"T—totoo ka?" Gumaralgal ang aking boses.

Sinipat ko ang kanyang mga mata, ang kanyang ilong, ang kanyang mga labi, ang kanyang panga at buo niyang mukha. Namalisbis ang aking mga luha.

"W—why?"

Hinawakan niya iyong kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi.

"Daddy, I think Mommy had a bad dream. Hadn't you, Mom?"

Agad ko siyang niyakap. Napapikit pa ako nang maramdaman ko ang pagtugon niya sa aking yakap. Mas mahigpit iyon.

"T—totoo ka nga! Oh, God!"

Tuluyan na akong napahagulgol. Hindi siya patay. Totoo siya. It was a nightmare.

"Yes, Love, I'm real. Hush now."

Ramdam ko pa iyong mabilis na pagtibok ng puso ko. Takot na takot ako. Parang totoong nangyari ang lahat ng iyon.

"A—anong nangyayari?" Gulong-gulo pa rin ang aking utak.

"Mom, don't be scared. Daddy and I are here for you."

Sagan's tiny arms wrapped around my waist while I was hugging his father. Naramdaman ko iyong panaka-nakang paghalik ng daddy niya sa aking tuktok.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon