Chapter 18

14.8K 613 268
                                    



Aphrodite's POV

"Mommy." tumingin ako sa gawi ng kapatid ko na tinawag si Mommy. "Nire-recruit ako sa Shakers Boys." sabi ni Aero.

"What?" napatingin kami kay Mama na dumungaw sa pintuan. Nasa kusina kaming tatlo. Nagluluto kaming parehas ni Mommy.

"Nire-recruit ako sa Shakers Boys." ulit ni Aero.

"Hindi na ako magtataka don. Tinanggap mo naman?" tanong ni Mama na lumapit samin.

"Yun ang dating team ni Mommy, so yup." sabi ni Aero. Napangiti naman si Mommy sa kanya.

"Wala bang susunod sa inyo sa Dragon Empire?" sabi ni Mama. "Mukhang walang hilig sa paglalaro ng basketball si Alex."

"Hindi naman kailangan sumunod sa yapak natin na magtraining sa Dragon Empire ang mga anak natin." sabi ni Mommy at pinagpatuloy ang ginagawa nya. "In the first place, wala naman talaga akong balak magtraining sa Dragon Empire kung hindi lang ako pinilit ni Linnett."

"Buti nga nagtraining ka don dahil kung hindi, wala akong dyosang asawa." sabi ni Mama. Nagkatinginan kami ni Aero at napangiti. "Oh well, good luck na lang sayo don, Aero. Pagbutihan mo lalo ang paglalaro mo at talunin mo ang anak ni Gen."

"Yes Ma, hindi ko bibiguin si Mommy kaya gagalingan ko po talaga." Sagot ni Aero.

"Si Mommy lang?" Pagtatampo ni Mama. Napairap naman kami ni Mommy. Ang alam ng iba ay sobrang lapit namin sa mg parents namin kaya ayaw namin lumalayo sa kanila, totoo 'yon pero malapit din samin sila Mommy. Minsan isip bata si Mama.

"Si Mama talaga oh." Sabi ni Aero at niyakap si Mama. "Syempre naman pati ikaw. Sayo kaya ako nagmana sa paglalaro ng basketball." Dagdag nya pa. Isang three pointer si Aero, walang mga palya ang mga tira nya at katulad ni Mama kaya nyang magshoot ng bola gamit ang isang kamay na natutunan nya mismo kay Mama.

"At least sakin nagmana ang dalawa sa style ng paglalaro ng basketball." Sabi ni Mama tapos tumingin kay Mommy pero si Mommy ay tumingin sakin kaya pati yung dalawa ay napatingin sakin.

"What?" Tanong ko sa kanila.

"Nothing." Sabi ni Mama. "Doon lang ako kay Alex." Dagdag nya at naglakad palabas ng kusina.

"Doon lang ako sa kwarto." Paalam ni Aero at lumabas din.

Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy sa ginagawa ko. Alam ko kung ano ang iniisip nila. Hindi na kailangan pang tanungin. Hindi pa rin nila tanggap na hindi na ako magaling katulad ng dati kaya nag-aalala sila. Masyado sila maalahanin kahit na sinabi ko sa kanila na okay lang ako na ayos lang sakin ang ganito. Wala na silang magagawa pa para ibalik ang dating ako kaya dapat tanggapin na nila na hanggang dito na lang ako.

"You know─" pinutol ko ang sasabihin ni Mommy. Ito na naman kami.

"Mommy, mag-qu-quit ako na sa basketball." Napatingin sya sakin.

"Are you sure?" Tanong nya. Kita sa mukha nya ang pagkabigla.

"Kung hindi nyo tatanggapin na hanggang dito na lang ako." Patuloy ko. Tinignan lang ako ni Mommy. "Hindi ibigsabihin anak ninyo ako, kailangan magaling ako."

"Fine." Sabi nya at nagbuntong hininga. Humarap sya sa niluluto nya. "Iniisip namin na baka madepress ka dahil hindi ka na ganong kagaling at maapektuhan ka sa mga sinasabi ng iba. Bilang mga magulang mo ay nag-aalala kami."

"Edi sana noon pa lang tumigil na ako sa paglalaro ng basketball." Sabi ko.

"Bakit ba hindi ka pa din tumitigil sa paglalaro?" Tanong nya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now