Chapter 13

34.8K 1.2K 796
                                    

Chelsea Jane's

"But I want to go with Tita CJ" sabi ni Yohan, panganay na anak ni Kuya Alejo. He's 10 years old.

"Yohan, you still have your classes remember? We will go back in the Philippines next month, when its Christmas" pagkumbinsi naman ni Ate Chantal, asawa ni Kuya.

Kasalukuyan kona kasing inaayos ang mga gamit na dadalhin ko pauwi sa Pinas. 3 days ago noong nakarating ako dito sa Spain at itong si Yohan ay nangulit nang nangulit noong nalaman na hindi sila sasama saakin pauwi sa Pinas. Buwan na ng Nobyembre ngayon at malapit na ngang mag-pasko.

"I promise I will see you there in Christmas.. and if you like when it's your vacation, you can ask your Dad to visit me in New York" bulong ko dito pero pinarinig ko kila Kuya at saka sila nginisian.

Gustong gusto kasi ni Yohan sa New York dahil marami daw lights at buildings doon.

"Sige. Basta ba sagot mo lahat at ikaw ang mag-bantay sakanya" sagot naman ni Kuya at nakapa-meywang.

"Gusto ko yan" natawa naman sila Kuya dahil akala nila tatanggihan ko yung sinabi nila. Gustong gusto ko kaya kapag may kasama ako doon.. palagi nalang tahimik sa bahay.

"How about me, Tita?" tanong naman ni Yunice at nilapitan ako sabay yakap.

"Ofcourse you can come too! You are my princess, remember?" atsaka ko ito kinarga.

"Yey!!" natutuwang sigaw nito at pinaghahalikan ako sa pisngi.

Yung talagang behavior at ugali ng bata ay nagre-reflect kung paano sila pinalaki at kung ano ang kinalakihan nilang environment. They grew up in Spain and also have a Filipino disciplines. Both cultures are family oriented kaya ganyan nalang ka-close ang mga bata saamin. I congratulate Kuya Alejo and Ate Chantal on that.

We had our lunch later that day and hinatid na nila ako sa airport afterwards.

Hindi ko mapigilan na hindi kabahan habang nakatanaw ako sa labas ng bintana ng eroplano. Yung puso ko ang lakas ng tibok. Hindi ko alam kung sa takot ba ito o excitement.

I breathed in and out and decided to sit comfortably. Lord, guide me and give me strength.

Let the 18 hours flight begin.

-

"Welcome back!!" bati saakin nila Mama at Papa pati nadin ng mga kasambahay namin. Lahat sila ay pinayayakap ko isa-isa. Namiss ko ang mga ito!!

"How's your flight, Anak? I bet you are jetlagged.." paghalik ni Papa sa aking noo atsaka ako niyakap.

"Yes, Papa.. dipa ako naka-get over sa jet lag sa Spain and another adjustment ulit haha but its okay" pag ngiti ko rito.

Papakainin sana nila ako ng meryenda kaso sabi ko busog ako at babawi muna ako ng tulog. So far naman kasi wala pa akong agenda for today, baka bukas palang.. pagkadating ni Mari.

Naalimpungatan ako at napansin ko na maliwanag parin sa labas. Wow, ang ikli lang ng tulog ko? Pero nanlaki ang mata ko noong nakita ko kung anong oras na sa bed side table ko, 6:30AM. More than 12 hours pala akong natutulog!

Umupo muna ako sa kama para hindi mabigla ang katawan ko at para magkaroon muna ng maayos na blood circulation patungo sa utak ko. May possibility kasi na ma-stroke or any brain-related issue kapag bigla kang tumayo from lying down.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon