I spent the day catching up with mom. Isang linggo ang nakalipas at ganon parin. Jacob is busy with work. He barely calls, nagtatanong lang kung kumusta na ako. Hindi din siya nagtatanong tungkol sa pinag usapan namin noong nakaraan. Maybe, he wants to be casual with me. Necessary paba iyon?. Kung ayaw na niya, he can just ignore me.
"Ma, I'll put some olive oil?" Tanong ko kay mama.
Tinuturuan niya akong magluto ng kung ano.
"Oo, and then, ilagay mo na yung garlic. . . "
It turns out na si mama nalang din ang nagluto ng lahat dahil biglang dumating si papa.
"An invitation came" wika ni papa. Ibinaba niya lang ang invitation tsaka umakyat na siya sa kwarto nila ni mama.
Lumapit naman ako doon at kinuha iyon. It's an invitation for the Isabela Day this coming week. Ipinakita ko iyon kay mama at tumango lamang siya.
I opened the trifold at binasa.
"Why are we invited?" Kunot noong tanong ko nang bumaba si papa.
Dumeretso siya kay mama at humalik sa pisngi nito.
"Why?. Ayaw mong pumunta? Sa opening lang naman tayo. I'll just talk and I need you to be there" wika ni papa tsaka sinamahan si mama sa pagluluto.
Bumagsak ang tingin ko sa invitation na nasa lamesa.
"I'm not going" umiiling kong wika.
"Your brother will be there, I want the three of you to watch me" wika ni papa habang hinahalo ang niluluto ni mama.
"And Jacob will be there" wala sa isip kong wika kay papa.
"Oh, someone's affected" pang aasar ni mama. Umiling nalang ako dahil doon.
"And her fiancé" matigas na wika ni papa.
Umirap ako ng bahagya dahil sa sinabi ni papa. Oo na. Kailangan pa bang ipangalandakan na kasama niya nga ang fiancé niya?. Somewhere in my heart hurts. Eh ano kung nandoon sila?. Should I go?.
Ako, ako ang ipinakilala bilang first lady. Ako yun eh. But now, siya ang naipost sa social media, silang dalawa ang nagvaviral, I suddenly felt that I don't really belong to him, we don't belong to each other. Paano kung, paano kung midway ng pakikipaglaban namin ay mawala siya, mawala iyong nararamdaman niya para sa akin at marealize niya na hindi naman talaga worth it lahat.
Naramdaman ko ang sakit dahil sa inisip ko. I hate that I have to feel this kind of pain. I hate that I love him so much and I can't do anything to stop it.
Tumingin ako kay papa at mama na abala sa pagluluto. I better get ready. Pupunta ako. I'll give him my all. I will love him wholeheartedly. Para mapagod na ako kaagad. Para pag napagod ako, titigil na ako. Pag nasaktan ako ng sobra. I'll stop.
"And oh, i remember" itinaas pa ni papa ang sandok at tumingin sa akin. Nagtaas din siya ng isang kilay.
"Do something about Althea Borromeo, tell the press that it's not true, Althea. I am blocking every news report that brings up that topic, I am so through with it" kapansin pansin ang iritasyon sa boses ni papa.
"Aaminin ko sa press na ako yon pa?" Kunot noong tanong ko.
"You will" may pinal ang boses ni papa.
"Why not let it pass, kung ipakikilala na ni Jacob si Mary na fiancé niya, everyone in here will forget about Althea Borromeo" umirap pa ako para ipakitang wala na akong pakealam tungkol doon. Ni hindi ko nanga iniisip.
"Do not roll your eyes on me, Althea. Do as I say. Don't be stubborn"
Bigo akong tumango dahil doon. Fine! I will.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...