Nakangiti siya habang nagmamaneho kaya humarap ako sa kanya. Alam kong napansin niya iyon dahil tumaas ang kilay niya.
"Why are you so happy?" Tanong ko.
Nagregister sa pisngi niya ang malalim niyang dimple. Masaya talaga siya?. Niyugyog ko siya sa braso ng mahina dahil hindi siya sumasagot.
"Wala. . I love this. . Ito, iyong light lang. . You, acting like an angry girlfriend"
Tumingin siya ng bahagya pagkuwan ay sa daan na naman. Ngumuso nalang ako. Uminit ang pisngi ko nang marealize na totoo nga iyong sinabi niya. I acted like a gf. Talaga? I am not aware of it.
"Sira" wika ko nalang tsaka naupo na ng maayos.
Kami ba?. Mayroon bang kami?. He is engaged. Anong ginagawa niya rito? Paano pag nakita siya ng ibang tao? Sa fast food pa talaga kami kakain?. Damn. Napapikit nalang ako. Hindi ako nag iisip.
Nakapikit kong hinawakan ang braso niyang nakalapag sa gilid, kaliwa lang kasi ang nakahawak sa manibela. Nagulat naman ako nang bigla niyang pinagsiklop ang mga daliri naming dalawa. Napamulat ako at napatingin sa kanya ngunit hindi naman siya nakatingin sa akin.
"Kain nalang tayo sa studio?" Pag aaya ko pero tanaw ko na ang mall. Sa Cauayan pa talaga kami pumunta para lang kumain sa Jollibee.
Umiling naman siya at ipinasok ang kotse sa mall. Nagbayad pa siya ng bente para sa parking.
Damn. We shouldn't be here. Weekdays naman ngayon at kakaunti lang ang tao pero mali eh. Kilala siya at kilala si Mary.
Nang makapark siya ay bumaba na kaming dalawa. I don't know how to act.
"Jacob. . Uwi na tayo?" Pag aaya ko habang sinusundan siyang maglakad papunta sa glass door ng mall.
Tumingin siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang mga yon at hinila niya ako papasok. Alam ko, pansin ko, na pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Jacob" pagtawag ko pero hindi siya nakikinig.
"We're here" wika niya tsaka binitawan ang kamay ko. Binuksan niya ang pinto para makapasok ako.
Damn. Kinakabahan ako.
"Maghanap kana ng seat, magoorder lang ako. What do you want?" Tanong niya nang nakatingin sa akin.
Luminga naman ako sa paligid at nakitang kakaunti lang ang tao ngunit karamihan ay nakatingin sa aming dalawa.
"Hey" naramdaman ko ang haplos niya sa kamay ko kaya't napatingin ako sa kanya.
"Ah. . Kahit na ano?.hmm. may chi. . Chicken" wika ko pa.
Tumango naman siya at pumanhik na sa counter. Hindi ako maka alis sa kinatatayuan ko dahil doon. Nagugulat ang puso ko. He acts like nothing happened. Parang wala siyang fiancé.
"Althea" pagtawag niya sa akin. Naglakad siya pabalik at may hawak na number.
Tumingin lamang ako sa kanya. I can't move.
Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila papunta sa 2nd floor ng fastfood na ito. Umakyat kaming dalawa sa hagdan. Nakahanap siya kaagad ng upuan, pinili niya iyong may sofa at nasa sulok.
Hinawakan niya ako sa braso at iginaya doon. Pina upo rin niya ako.
Umupo siya sa tapat ko at itinuko ang dalawang kamay sa baba niya.
"Jacob. . Dapat wala tayo rito" awkward kong wika habang tumitingin sa paligid.
"Gusto mo dito" rason niya.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...