This is the first time I hated the clothes. Idiniin ko ang sarili ko sa kanya at naramdaman kong kinagat niya ang pang ibabang labi ko. Tumigil kaming dalawa at hinihingal. Humarap ako sa kanya at nakita ang mga mata niyang sabik na sabik sa akin.
"I love you" bulong niya sa akin ngunit hindi na niya ako hinalikan. Nanimbang naman ako sa gagawin pa niya. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto.
"I love you, Jacob" bulong ko pabalik. He plastered a smile. Hindi ko alam pero kinilig ako doon. Hindi lang talaga ako makapaniwala na mahal niya ako.
He kissed me again, but this time, it was soft and smooth. Tumigil siya at hinalikan ako sa tungki ng ilong.
"Matulog na tayo" bulong niya sa tenga ko. Yinakap niya ako at ganun din ako sa kanya. Nakasandal parin siya sa headboard. Umiling ako. Teasing him, ofcourse. Parang ayokong matulog.
"We can't do that here" bulong niya tsaka hinahaplos ang bewang ko paakyat sa likod. Damn him.
Hindi ako nagsalita. Pumikit nalang ako at yinakap siya ng mahigpit. I just want to cherish this moment. Dahil pag nalaman ni papa ito. Panigurado, ilalayo na naman niya ako sa lahat. Not this time. Not this time.
"Jacob. . Mahal na mahal kita" bulong ko habang nakapikit at nakayakap sa kanya. Humigpit naman ang kapit niya sa akin. Sumisikip ang dibdib ko. Alam kong panandalian lang ang oras at pagkakataong ito. Bukas ng umaga, ibang buhay na naman. Baka bukas, hindi na magiging ganito. Bukas, hindi na naman siya sa akin. Masakit.
"I'll fix this and we'll go. Kahit saan mo gusto" bulong niya sa akin. Ramdam ko ang paghalik niya sa leeg ko pagkatapos noon. Umakyat na ata lahat ng dugo ko sa ulo ko.
"Paano?" Tanong ko . Umatras ako para makita ang mukha niya.
"Trust me. Okay?" Mahinang wika niya tsaka ako hinalikan sa noo.
"Matulog na tayo" wika niya ulit. Tumango naman ako at umayos na sa pagkakahiga. Medyo masikip talaga ang higaan ko, saktong sakto lang talaga kaming dalawa.
Nahiga rin siya ng maayos at hinila ako para mayakap. Yumakap din ako syempre. Isiniksik ko ang sarili ko sa gilid niya. Naiiyak ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari bukas. Pag nalaman ni papa ito, o ng mama ni Jacob. Hindi ko alam kung anong mangyayari.
Nagising ako ng madaling araw at lumabas sa likod para magpahangin. Iniwan ko si Jacob na mahimbing ang tulog. Niyakap ko ang sarili ko nang salubungin ako ng malamig na hangin nang buksan ko ang pinto. Hindi na ako makatulog. Masyadong nananaba ang puso ko at pakiramdam ko ay sasabog na ito.
Naupo ako sa upuang nandoon. Itinuko ko ang siko ko sa coffee table.
Pakiramdam ko ay ayoko ng matapos ang oras na ito. Pinagmasdan ko ang kalangitan at kakaunti nalang ang mga bituin. Anong oras narin kasi.
Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Ramdam kong si Jacob iyon kaya't napapikit pa ako dahil isiniksik niya ang kanyang mukha sa kanang parte ng leeg ko. Hinawakan ko naman ang pisngi niya gamit ang kanan kong kamay.
"Akala ko kung nasaan kana" halata ang pag aalala sa boses niya.
Tumayo naman ako at humarap sa kanya. Kapansin pansin ang pamumula ng mga mata niya.
Hinawakan niya ako sa bewang at tinitigan.
"Pakasalan mo ako" mahinang wika niya dahilan para magulat ako.
"Jacob" mahinang wika ko. Hinawakan ko ang mga braso niyang nakakapit sa bewang ko.
"Pakasalan mo ako. Althea" nagulat ako sa tanong niya. Anong isasagot ko?.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR'S FIRST LADY
Non-Fiction"I don't deserve you, yet." By saving me, he suffered. And now, he is suffering, taking all the consiquences of his actions. Caught off guard?. Ibig sabihin ay magpapakasal siya kay Mary. "Then. . . Let's not continue anymore. We ended up the day...