CHAPTER 34

103K 3.1K 815
                                    

Chapter 34

"ANAK, wala na ba talagang pag-asa na magkaroon ng kumpletong pamilya si Sagan?" mahinahong tanong ni Mama habang pinapanood namin si Sagan na naglalaro sa slide. Inaalalayan siya ng kanyang ama.

Pagkatapos ng mahabang kainan at kuwentuhan kanina sa restaurant ay sumaglit kami rito sa park. Iyon naman kasi talaga ang balak ko sana kaya lang ay may pakulo pala silang sorpresa sa 'kin. Walang kapaguran si Sagan sa kakulitan. Hindi niya nakaligtaang magyayang pumunta rito.

Sinulyapan ko si Mama at muling ibinalik ang aking tingin kay Sagan. Malakas ang kanyang tawa sa tuwing nadudulas siya sa slide. He looks completely happy.

"Ma, hindi mahirap paintindihin ang anak ko. Isa pa, sanay na siyang ako lang ang kasa-kasama niya. Sanay na siyang wala siyang ama."

"Pero, anak, hindi naman ibig sabihin na sanay na siya e hindi niya na kailangan ng ama. Tingnan mo, napakasaya niya ngayon."

Sumandal ako sa sementong upuan. Tumingin ako sa kawalan at pilit ipinasok sa utak ko ang sinabi ni Mama. Ngunit naging isang malalim na buntonghininga ang itinugon ko sa kanya.

"Ma, diretsahin n'yo naman ako kung anong gusto n'yong gawin ko. Kasi sa totoo lang hindi ko na alam. Gusto kong sumaya ang anak ko pero natatakot ako na baka masaktan na naman kami pareho."

Hinawakan ni Mama ang kamay ko.

"Kailangan ni Sagan ng ama. Kahit sinaktan ka ni Sid noon ay nagbago naman na siya. Isa pa, nakikita ko namang mahal ka no'ng tao."

Sunod-sunod akong umiling sa mga sinabi ni Mama.

"Sa totoo lang, Ma, mahirap magtiwala sa taong minsan ka nang sinaktan."

"Sus, ang sabihin mo bitter ka pa rin hanggang ngayon, ate. Move on din 'pag may time. Napaka-historical mo."

Sinamaan ko ng tingin si Kyesha na ngayon ay nasa swing katabi ng inuupuan namin ni Mama. Nagbabasa siya ng pocketbook habang nag-su-swing.

"Shut up, Kyesha. Alam mo lang ang kuwento ko pero hindi mo naramdaman ang sakit na naramdaman ko noong sinaktan at iniwan niya ako."

Kumibot-kibot ang nguso niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Kaya nga naimbento ang second chance, 'di ba? Para maaari pang itama ang pagkakamali," pagpaparinig niya.

"Tumigil ka, Kyesha. Sa kababasa mo ng pocketbook kung anu-anong natutunan mo. Ma, bawasan mo nga ang allowance niyan nang wala siyang maipong pambili ng romance novels."

"Ate naman!"protesta niya. Inismiran ko lang siya.

"Manahimik ka kasi kung wala ka namang magandang sasabihin," asar ko.

"Tama naman kasi ang kapatid mo, anak. Hanggang ngayon ba e hindi pa rin nawawala sa puso mo ang galit? Hindi mo pa ba siya napapatawad? Akala ko ba sabi mo nakalimutan mo na 'yon?"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Mama. Her eyes were hopefully desperate. Suddenly I felt like everyone around me conspires to end me up with that sperm donor.

"Ma, madaling magpatawad pero mahirap makalimot. Masama bang isipin ko rin ang sarili ko? Isa pa, hindi ko alam kung kaya ko pang ibalik ang tiwala ko sa lalaking 'yan pagkatapos ng lahat ng pasakit na ginawa niya."

Bumuntonghininga si Mama bilang pagsuko.

"Insan, may point naman kasi talaga si Kyesha," singit ni Tessa. Sumama siya sa amin dito sa park para mamasyal.

"Masuwerte ka nga kasi ginagawa niya ang lahat para balikan mo siya. Hindi lahat pareho ng kalagayan mo. Ikaw, nakaraan mo lang ang pumipigil sa 'yo para magbigay ng pangalawang pagkakataon. Magkabaliktad tayo ng sitwasyon. Ako naman 'yung naghahabol pero wala, e. Hindi talaga natin mapipilit ang sarili natin sa taong ayaw sa atin. Kaya kahit masakit at nakakawasak ay kinailangan kong magpalaya at magparaya. Kuntento na ako ngayon sa dalawang anak ko."

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon