Untitled Part 32

2.9K 130 8
                                    


"THIS came this morning, Ma'am," salubong sa kanya ng sekretarya at iniabot sa kanya ang isang imbitasyon.

"Thank you. Tumawag na ba si Mr. Yu?"

"Yes, Ma'am. Okay na raw. Kaya lang pinatatanggal 'yung necklace nu'ng model sa print."

"Bakit daw?" Napatigil si Sari sa pagbubukas ng imbitasyon.

"Kasi raw ay hugis kuneho 'yung pendant. Eh, year of the Tiger ngayon, baka raw malasin dahil kinakain ng tigre ang kuneho."

Napailing si Sari. "Discuss it with the graphics people. Tell them to get rid of that pendant." At pumasok sa kanyang opisina. Iniisip pa rin ang pagka-supertitious ng kliyente habang binubuksan ang imbitasyon.

Gold ang letrang naka-embossed doon. Imbitado siya sa inauguration party ng Don Claro Latarde Youth Foundation. Sadyang itinaon iyon sa ika-isandaang kaarawan ng matanda bilang tri-bute rito.

She sighed. Hanggang ngayon ay nami-miss pa rin niya si Lolo Claro. At kapag may problema, sa isip niya ay kinakausap niya ang matanda na para bang naririnig siya nito at tutulungan siyang makaisip ng solusyon.

There was no way na palampasin niya ang affair. Sapagka't kung tutuusin, siya ang kauna-unahang youth na tinulungan ng matanda. Dapat lamang niyang ipakita ang pagmamahal at loyalty kay Don Claro.

Pinag-aralan niya ang kanyang desk calendar. Importanteng dinner meeting sa isang kliyente ang kasabay ng affair. Nag-iisip siya ng magandang alibi para kanselahin ang meeting nang may maalala.

Si Aldon at ang buong pamilya Latarde ay tiyak na naroroon, sapagka't iyon ay pinaka-tribute na rin sa kanilang pamilya. Kaya ba niyang humarap muli sa mga iyon?

Simula nang maghiwalay sila ni Aldon, bihira na siyang makabalita ng mga nangyayari sa mga kamag-anak ng lalaki. Maski sa mga magulang nito. Na para bang isa lamang siyang alikabok na dumaan at hindi na kailangang pag-ukulan ng pansin.

Ganoon ang pakiramdam niya noon. At kahit ngayong tagumpay na siya at may sariling pangalan, taglay pa rin niya ang insekuridad na iyon. Kahit minsan ay hindi niya nasabing bahagi siya ng pamilya Latarde.

Ngunit higit sa anumang pangamba, higit niyang kinatatakutan ang muling paghaharap nila ni Aldon. Tuloy ay nagdadalawang-isip na siya kung dadalo ba o hindi.

But she owed it to Don Claro, rason niya at pakiramdam niya ay magtatampo ang matanda kung hindi siya darating sa piging. Hindi siya makapagdesisyon. At muli ang mga pangaral ni Lolo Claro ang pumasok sa isip niya.

Toss the coin kung gusto mong makapagdesisyon kaagad! turo nito. Noong una'y hindi niya maunawaan kung bakit ang isang mahalagang desisyon ay nakasalalay lamang sa cara y cruz!

Napangiti si Sari at dumukot ng barya sa kanyang bulsa. Inihagis iyon. Ngunit hindi na hinintay na bumagsak sa sahig. Agad ring sinambot. At muling isinilid sa bulsa. Nakapagdesisyon na siya.

Sapagka't ayon kay Lolo Claro, habang ang barya ay nasa ere, hindi mapipigil ng naghagis ang sariling hilingin ang mukhang nais nitong lumabas. Kapag nangyari iyon, yari na ang desisyon, sapagka't puso ang nagpasiya.

Sa kabila ng mga pangamba, dadalo si Sari sa party. Sapagka't habang nasa ere ang coin, nahiling niya na sana ay tao ang lumabas na ang katumbas ay I'll be there. Puso ang nagpasiya.

Tinawag niya ang sekretarya at sinabihang tawagan si Mr. Nocum at sabihin ditong hindi siya makakarating sa meeting. Ibinilin ding tawagan ang nagpadala ng imbitasyon upang ikumpirma ang pagdalo niya.

Semper FidelisWhere stories live. Discover now