IKA TATLUMPU'T ISA

3.1K 67 4
                                    

"I'm worried" halata nga ang pag aalala sa boses niya.

"Kaya ko ang sarili ko" wika ko naman.

"Alam ko naman yon, Althea. I miss you" wika niya.

Huminga ako ng malalim. "I miss you"

Pinatay ko ang tawag at natulog na. Kinaumagahan ay sumalang na naman kami sa mga photo shoots, interviews at kung ano ano pa. T'was a tiring day ngunit okay lang, hindi naman kami gaanong napapagod.

"I hate it so much na kasama kita dito, hindi ko alam kung bakit nandito kapa" mataray na wika na naman ni Mary habang nagbibihis kami dahil may photoshoot na naman.

Hindi ko siya iniimik. Siya itong salita ng salita ng kung ano ano.

"I better tell my followers about what you did to me, inagaw mo si Jacob sa akin" matinis niyang wika.

Hinarap ko naman siya dahil doon. Inirapan ko pa ang sinabi niya. Alam kong nakita niya iyon dahil humarap din siya sa akin.

"Totoo naman diba?. You never dared asking him kung committed na siya o ano?. Nafall ka nalang?. May choice ba siya?" Naiinis ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Ano?.

"Sa tingin mo ba, lalapit siya sa akin pag committed siya?"

Natameme siya dahil sa tanong ko pero nabawi rin niya kaagad ang gulat niya.

"Oh well" wika niya na halatang nag iisip pa kung anong sasabihin niya dahil mukhang naubusan siya ng sasabihin.

"He'll come back to me, I'm sure of that" wika niya tsaka ako linayasan. 

Hindi naman siguro ganun kababaw ang pagmamahal ni Jacob sa akin para iwan nalang ako at hindi tuparin ang mga pangako niya. Naniniwala naman ako na mahal niya ako. Ako din naman. Mahal ko siya at sapat na sa akin na malaman ko na ako ang mahal niya. Kung iiwan man niya ako, siguro ay may mas malalim pang dahilan iyon.

Days went fast at finals na. Gustong gusto ko ng umuwi, sa totoo lang. Pero habang nakikita ko si Mary ay mas nararamdaman kong hindi dapat ako magpadaig sa isip ko.

The night of the judgment came. Alam ko. Ramdam ko na.

"You'll go home crying" puna na naman niya.

Umirap nalang ako. Busy kasi ang lahat sa pagmemake up. Ako din naman. Abala ang make up artist para ayusan ako.

I did not win. It ended well and I was the second. Not bad for a first timer, i guess.

Nang makabalik kaming lahat sa mga kwarto namin ay nag empake na ako kaagad. I need to go home now.

Natigil ako sa pag eempake nang biglang pumasok si Mary sa kwarto ko at sampalin ako ng malakas sa kanan kong pisnge.

Napahawak ako doon. Nang makita ko siya ay namumula ang mga mata niya at halatang galit na galit. Susugurin pa sana niya ako ngunit nahawakan ko ang mga kamay niya.

"Ano bang kailangan mo!"

"You! Bitch! Mamatay kana!"sigaw niya at pilit akong gustong sampalin. Damn.

"Mary! Ano ba??!" Inis kong wika tsaka siya itinulak dahilan para mapa upo siya sa sahig.

"Alam mo ba hah!" Sigaw niya at tumayo na naman. But this time, dinuro niya naman ako. Napa atras nalang ako dahil sa panunulak niya ngunit hindi ako nagpatinag.

"He gave up his company! Because of you! Masaya kana?! Masaya kana?!!!" Tili niya tsaka aambang lalapit na naman ulit.

May mga dumating para awatin siya sa pagwawala. Lasing na lasing siya at hindi na niya alam ang pinag gagagawa niya. Naiintindihan ko iyon. Pero ang mga huling sinabi niya ang hindi ko maintindihan. Jacob? Gave up Fountainheir?. Bakit?

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon