Chapter 6 : Can you save them?

106K 4.4K 2.1K
                                    

6. 

Can you save them?

Tammy

"A-anong klaseng laro?! Parang-awa mo na, wag mo silang idamay dito!" Muli kong sambit kahit pa naninginig na ang labi ko at halos manikip na ang dibdib ko.

Naghintay akong sumagot siya pero binabaan na niya ako. Pilit ko parin siyang kinakausap pero wala na talagang sumasagot sa kabilang linya. Pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait. Nanatili lamang akong nakatayo sa loob ng phonebooth, umiiyak habang nakatitig sa telepono.

"Tammy? Tammy okay ka lang?" Lumingon ako at nakita ko sina Ponzi at Ford na kapwa nakakunot ang mga noo.

"Teka gumagana pa pala yan?" Tanong pa ni Ponzi.

"W-where's my brother?" Iyon na lamang ang naibigkas ko habang pinupunasan ang luha ko.

"Tatawagin nalang namin, siguro tapos na yon sa punishment niya. Sigurado kang okay ka lang?" Tanong naman ni Ford kaya tumango-tango ako at pinilit ang sarili kong ngumiti sa kabila ng nangyari.

- - - - - -

Third Person's POV

Pakanta-kanta si Dustin habang naglalakad papunta sa locker area kung saan niya iniwan ang mga gamit niya. Basang-basa na ang suot niyang uniform kaya idinadaan na lamang niya sa pagkanta ang nararamdamang inis.

Bahagya siyang napasulyap sa bintana at lalo siyang nainis nang mapagtantong madilim na pala sa labas. Mas binilisan niya ang paglalakad hanggang sa makarating sa locker area ngunit nagtaka siya nang makita ang isang lalakeng nakatayo sa harapan ng mismong locker niya.

Lalake, may matangkad na pangangatawan at mistulang estudyante din gaya niya, nakasuot ito ng kulay itim na jacket at may hood na nakatakip sa ulo nito kaya hindi ito nagawang mamukhaan ni Dustin bagay na lalong nagpagulo sa isipan niya.

"Teka anong ginagawa mo sa locker ko?!" Bulalas ni Dustin ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang nagtatakbo ang lalake nang marinig ang boses niya.

Naguguluhan man, hahabulin sana ito ni Dustin nang marinig niya ang sigaw ng mga kaibigan mula sa likuran niya.

"Bok! Andiyan ka lang pala!" Humahangos na halos si Ford nang makarating sa harap ni Dustin.

"Bakit?" Tanong ni Dustin at muling naglakad patungo sa kanyang locker habang nanatiling nakasunod sa kanya ang dalawang kaibigan.

"Yung utol mo, kanina ka pa hinihintay. Bilisan mo, lagot ka talaga dun." Pananakot naman ni Ponzi ngunit tumawa lamang si Dustin at kinuha ang t-shirt mula sa loob ng locker at nagbihis. "Nga pala umiiyak yung utol mo, baka kailangan ka nun." Dagdag pa ni Ponzi kaya agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Dustin.

"Anong nangyari? Si Calix ba?" Kunot noong tanong ni Dustin.

"Malay. Kaya nga kailangan mo na siyang puntahan." Giit ni Ponzi.

"Teka Dustin, ano yan?" Biglang sambit ni Ford na kanina pa pala nakakunot ang noo habang nakatitig sa laman ng locker ni Dustin. Kapwa napatingin ang tatlo sa isang papel na kasing laki lamang ng bond paper na nakalagay sa loob.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon