Chapter 34: Coronation Day

17.1K 514 94
                                    

Sorry sa late update guys!!😥

(Credits to the real owner of the picture above)

            ***Nicole's Pov***

This is it!

Sulit lahat ng pag-acting na ginawa ko para mapaalis ang babaeng yon.

Ngayon na ang araw na makokoronahan ako bilang prinsesa ng Magic Kingdom.

Hahahahaha...Princess Nicole! Bagay na bagay and soon to be Queen Nicole.

Mapapasaakin na rin ang lahat,ang pagiging prinsesa,ang mapasaakin si Firen at pati na rin ang mga kaibigan ng Samara na yon. Ang dami kong tiniis para lang mapunta ang sa akin ang lahat ng ito.

(Flashback)

"Mama hanggang kailan ba tayo magiging alipin ng mga dark magician"tanong ko. Natigilan si mama paghahain ng pagkain na kakainin ng hari ng mga dark magician. Tumingin ito sa akin bago sumagot.

"Hindi ko alam,anak. Pero sa tingin ko ay habang buhay na tayong magiging alipin nila."nalungkot ako sa sagot nya.

Sa edad na limang taong gulang ay mulat na ako sa katotohanang hanggang alipin na lang talaga kami. Ni hindi ko naranasan ang makapaglaro sa labas,wala akong naging kaibigan at marami pang iba na na dapat nararasan ng kariniwang bata.

Isang araw nagising na lamang ako na nagkakagulo ang mga dark magician. Agad akong tumingin sa tabi ko pero wala doon si mama. Kaya agad akong lumabas ng aking silid upang siya ay hanapin hanggang sa may nakasalubong akong kawal ng hari.

"Maaari po bang magtanong? Nakita nyo po ba ang nanay ko?"tanong ko rito.

"Hindi mo ba alam na lahat ng dark magician ay papunta sa magic kingdom?"nabigla naman ako sa sinabi nito.

"Ano ho?! Bakit?! Para saan?!"kinakabahang tanong ko

"Nag-utos si King Dark na lulusob tayo ngayon sa Magic Kingdom dahil ngayong araw isisilang ang itinakdang prinsesa."kung ganoon pati si mama ay makikipaglaban ngunit wala syang alam na kahit ano ni ang paghawak sa mga sadata ay hindi nya magawa.

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now