Entry #3

449K 10.2K 593
                                    

Dear Future Boyfriend,

Biglang umulan habang nasa internet cafe ako at nagpapa-print ng assignment. Ang malas ko kasi wala akong payong na dala. Papagalitan na naman ako ni Mama kasi hindi ako nakinig sa kanya na magdala ng payong. Ayoko kasing magdala ng payong dahil mabigat sa bag. Sana nandito ka. Sigurado isang text ko lang sa’yo pupuntahan mo ako at susunduin na may dalang payong. May kotse ka kaya? Haha! Joke! Payong lang okay na ako. Pero ang mga lalaki hindi rin naman nagdadala ng payong. Nakita ko kasi yung bag ng mga kaklase ko, ballpen lang ang laman at isang maliit na notebook. Bakit ang unti nyo magdala ng gamit sa school?

Kung wala kang payong. Isilong mo nalang ako sa jacket mo. Maliit lang naman ako. Sigurado kasya tayo diba? :D

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon