NYOWL - 5 ☆

2.3K 74 595
                                    



trigger warnings: mentions of rape, dark themes, violence



────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

5th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



Cue's POV



(At kung akala nyo, ako na ang susunod na magkakaroon ng chemistry kasama ni Ami, NAGKAKAMALI KAYO. -__-)

Tama bang mag-monologue sa start ng kabanatang ito? Pagbigyan nyo na ako at episode ko naman ito eh. :p Well... ano ba ang laman ng buhay ng tahimik at panay ang gym na bodyguard ni Jason na si Cue?

Malalaman nyo na in four, three, two... one....

 Teka, nakalimutan kong sabihin na Quentin ang totoo kong pangalan. ^__^v  Okay, eto na talaga seryoso na... Enjoy!



────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


- Flashback -


"Hindi mo ba maintindihan, Kyla? Hindi tayo pwede. Janitor lang ako. . . At. . ." Tiningnan ko siya. Napaka-tangkad ko kaya nagmumukha lalo siyang mas bata sakin. "At ang bata mo pa."

"Wala nga akong pakialam, Quentin!" sigaw nya na naiiyak. "Mahal kita! Mahal kita kahit ganyan ka.Wag mo naman akong ipagtabuyan nang ganito oh..."

Pero sarado na ang isip ko nun.

Nasa harap siya ng maliit kong apartment. Dabog sya ng dabog ng pinto kanina sa kalasingan. First year college siya. 18. Ako naman, 23. Ang layo ng agwat namin. At tanggap ko na, hindi kami bagay.

Kaya wala akong nagawa kundi. . . 

"Wala na tayo. . . Wag ka nang bumalik dito kelanman. Ayaw na kitang makita."

Masakit man, pero sinaraduhan ko siya ng pinto. Tinatawag nya ang pangalan ko. Yung totoong pangalan ko. 

Siya lang ang tumatawag sakin nun. . .


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Nagmamadali akong tumakbo papunta sa lumang elementary school. Dala ng takot at nerbyos, walang ibang sumagi sa isip ko kundi, 'Ang tanga tanga ko talaga.' 

Not Your Ordinary White LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon