Chapter 20

15.9K 649 388
                                    


Zandy's POV

"Guys, mauuna na ako sa inyo ah?" sabi ko habang inaayos ang gamit ko. Kakatapos lang ng training namin.

"Aba himalang mauuna ka at hindi sasabayan umuwi si Rigel?" udyok na naman ni Julia. Kanina pa yan nang-aasar dahil kanina pa magkatabi si Kennie at Rigel sa bench habang kaming mga miyembro ng Miracle nagpra-practice. Minsan, gusto ko na sabihin sa iba na miyembro din si Kennie para sumasali na sya sa mga practice namin.

"May laro ngayon si Dite eh, papanoorin ko lang." sabi ko. Isinuklib ko ang bag ko sa balikat ko.

"Laro?" sabay-sabay na sabi nilang lahat pwera kay Kennie at Rigel na nakatingin lang sakin na nagtataka.

"Miyembro na sya ng soccer team ngayon." sabi ko. "Isang linggo na syang nandon." Dagdag ko pa.

"Soccer team?!" Sabay-sabay na naman na sabi nila.

"Yup tapos may laro sya ngayon kaya manonood ako. Una na ako dahil baka hindi ko maabutan." Sabi ko at nagmamadaling naglakad.

"Sama ako!" Sabi ni Lee at sunod-sunod na din na sumama ang lahat kaya naman lahat kami ay nagtungo sa soccer field ng team ni Dite.

Nagulat pa kami pagdating sa field. Ang dami kasing tao, karamihan ay mga babae. Nagtungo kami sa likuran ng bench ng team ni Dite. May mga napaptingin samin dahil na din sa pitong seniors namin. Ngumingiti lang yung pito sa kanila.

"Ayun si Dite." Sabi ni Lee sabay turo sa field kung saan nandon ang mga manlalaro.

"Team ito ng Ate mo hindi ba, Titania?" Sabi ni Rigel. Napatingin naman kami kay Titania.

"Uhm..oo, ayan nga sya eh. Yung maingay." Nahihiyang sabi ni Titania. Tumingin kami sa harapan namin. May babaeng kaedaran ni Tita Zap ang nasa harapan na akala mo coach kung mag-utos sa mga miyembro nya. Nakasuot sya ng jersey nila kaya alam naming miyembro din sya.

"Bakit hindi sya mukhang nerd?" Sabi ni Kennie. Ang harsh naman nito. Tinignan ko si Titania na nakayuko lang.

"Nakita mo naman sya sa birthday nya, ang ganda nya kapag nakaayos." Sabi ni Joella. "Dapat talaga palagi kang nakaayos para mainlove sayo si Dite." Dagdag na tukso nya.

"Kahit naman na nakaayos si Titania, kung wala naman paki si Dite sa kanya, wala din." sabi ni Julia. "Nakita nyo din naman sa birthday nya."

"Tigilan na ninyo yan." saway ni Rigel.

"Goal!" Nagulat naman kami sa sigaw ng mga kamiyembro ni Dite.

Umalingaw-ngaw din ang pangalan ni Dite na sinisigaw ng mga babae sa gilid namin.

"Nakagoal si Dite." Sabi ni Lee tila nabasa ang nasa isip namin.

"Ang galing-galing talaga ng baby ko!" Sigaw ng katabi kong babae.

"Ohmygosh Dite! Ang galing-galing mo!" Sabi ng iba.

Marami pa kaming naririnig na pinagsasabi nila tungkol kay Dite at napapangiwi na lang kami dahil don. Fangirl na fangirl eh.

"Isang linggo pa lang yan pero may fans na at fan club. Ditenatic. Panis!" Sabi ni Julia.

Nanood kami ng laro nila lalo na si Dite. Hindi ako magtataka kung bakit magaling si Dite sa soccer dahil minsan ay tinuturuan kami ni Papa mag-soccer, dating player si Papa sa school nya noon. Marunong naman ako kahit papaano mag-soccer pero hindi katulad ni Dite na kayang kontrolin ang bola sa mga paa nya tapos ang bilis nya pang tumakbo. Bagay din sa kanya ang soccer.

Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa dahil dito sa soccer ay nakikilala na sya at inaasahan sya ng mga kateam nya. Hindi sa basketball, kung ano-ano ang naririnig nya. Ayoko naman syang umalis sa basketball dahil nakasanayan ko na kasama sya sa team. Para sakin, napaka-useful nya. Hindi din ako naniniwalang hindi na gagaling pa si Dite sa basketball. Umaasa pa din ako kahit na nasa soccer team na sya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now