Chapter 17: Dark past

1.3M 40.5K 13.9K
                                    

"SURPRISE, CANDICE," BULONG niya.

Parang tumigil sandali 'yong mundo ko. Siya nga ba talaga ang nakikita ko? Hindi pa rin ako makapaniwala. Tiningnan ko ulit siya at nang mapagtanto kong siya na nga iyon. Tumayo ako at agad akong lumapit sa kaniya para yakapin siya.

"Sir Jason!" sigaw ko. "Na-miss kita!" masaya kong sabi. "Shet. Lalaking-lalaki ka ngayon, hindi ako makapaniwala."

"I know, right?" maarte niyang sabi kaya bigla akong natawa. "Gandang lalaki ko, 'no?" pabiro pa niyang sabi.

Kahit no'ng college pa kami, walang confirmation kung bakla ba talaga si Sir Jason o hindi. Pero sabi nga nila, action speaks louder than words.

"Si Jeydon ang KJ mong fiance ang nag-suggest kay Sir Jason. Overprotective talaga 'yon," mataray na sabi ni Stacey. "He ruined my plan. That boy," bulong niya.

Bigla namang sumingit si Tiffany. "Well, not yet. I have a surprise. And this would be a secret from the boys, kaya don't worry." Mukhang tuwang-tuwa siya sa mangyayari mamaya. Kinakabahan tuloy ako.

"Puwede na ba tayong kumain? Gutom na ako eh," singit si Menchie.

Natawa kaming lahat sa kaniya kaya nagsimula na rin kaming kumain. Ang daming hinanda nina Stacey na pagkain. Lahat kami madaming nakain. Lahat naman kasi ng hinanda nila masarap.

Habang kumakain kami ang dami nilang tinanong sa akin. Parang lahat nga tungkol sa honeymoon. Ang pilya nila lalo na si Sir Jason. Halos mamula ang buong mukha ko kakatanong nila sa bagay na 'yon.

"So where's the cake, Tiffany?" tanong ni Abby.

"Wait and see." Kumindat siya sa amin at lumabas ng unit. Ito na siguro ang surprise niya.

Unang pumasok si Tiffany, pagkatapos may sumunod sa kaniya na isang lalaki. Katulad ni Sir Jason, may maskara ang mukha niya. Malaki siya at may mas magandang katawan. Unang pumasok sa isip ko si Jeydon pero kilala ko na ang hubog ng katawan niya at masasabi kong mas malaki ang sa lalaking ito. Sa kilos pa lang niya, alam kong lalaki na siya. Hindi katulad ni Sir Jason, naka-tuxedo naman siya at pormal ang dating. Naglakad siya palapit sa akin at ihinarap niya ang cake sa mukha ko para maihipan ko ang kandila.

"Una sa lahat, mag-wish ka muna para sa married life mo with Jeydon," utos ni Tiffany.

Tumahimik silang lahat at ako naman, pumikit at saka humiling.

Sana maging mabuting asawa ako kay Jeydon at sana kung anuman ang mangyari sa amin, sa mga pagsubok na pagdadaanan namin, sana maging masaya si Jeydon. Dahil ang kaligayahan niya ay kaligayahan ko rin.

Hinipan ko ang kandila at bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita ulit si Tiffany. "Bago ko i-reveal kung sino siya, kakantahan muna niya tayo."

May inilabas na mikropono si Tiffany ay ibinigay niya 'yon sa lalaking nakamaskara. Nag-play ang music at hinarap niya sa bibig niya ang mikropono. Lahat kami nakatingin lang sa kaniya.

"Everybody's laughing in my mind . . . "

Ang ganda ng boses niya. Tapos parang may pinanghuhugutan siya sa pagkanta niya. May emosyon.

Napansin ko na nakatingin siya kay Ate Serina at si Ate Serina naman parang hindi mapakali. Anong meron sa kanilang dalawa?

Unti-unting tinanggal ng lalaki ang maskara niya. Kasabay no'n ay literal akong napanganga. Pumasok agad sa isip ko kung totoo ba 'to? Siya nga ba talaga ang nakikita ko.

Tumigil siya sa pagkanta.

"Hi, Candice," bati niya sa akin.

"Sir Tyler?" bulong ko sa sarili ko.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon