Chapter 4.3

2.9K 58 6
                                    

ILANG linggo na rin ang lumipas ng magsimulang mag-trabaho si Elij kay Thaddeus bilang assistant at personal bodyguard – tinanggap na siya nitong bodyguard nito kahit babae siya dahil minsan niyang napahanga ito sa paggamit ng baril noong isama siya nito sa isang private shooting lesson na pinupuntahan nito.
Hindi niya inaasahan na sobra pala talaga ang dami ng trabahong ginagawa ng lalaking ito. Siya nga na sumusunod lang sa bawat lugar na puntahan nito ay napapagod na, ito pa kaya na napakaraming kliyenteng kinakausap at mga kasong hinahawakan.
Isa sa napansin niya dito ay ang pagiging seryoso nito pagdating sa trabaho. Hindi maitatangging gusto talaga nito ang ginagawa nito.
Maliban sa ilang kliyenteng inaasikaso ni Thaddeus ay abala rin ito sa kaso ng Keira Alvarez na iyon. Nalaman niya na patuloy pa rin pala ito sa pagtugis kay Anderson Alvarez. Maging siya ay hindi alam ang kinaroroonan ni Anderson dahil simula nang huli silang mag-usap ni Anthony ay wala pa itong ipinapagawa sa kanya.
Nang makapasok sila sa loob ng bahay ni Thaddeus ng gabing iyon ay maluwag siyang napabuntong-hininga. Sa wakas, makakapagpahinga na din sila. Isang buong araw din itong walang tigil sa pagtungo sa iba’t ibang lugar upang humanap ng witness sa isang kaso na hawak nito.
Napatigil siya sa paghakbang nang tumigil ito at humarap sa kanya, malapit na sila sa hagdan.
“Can you get me some beer cans, Elij?” tanong nito. “Pakidala na lang sa kuwarto ko,” ngumiti ito at tumuloy na sa hagdan.
Humugot siya ng malalim na hininga at tumungo sa private bar para ikuha ito ng beer doon. Iinom na naman ito para makatulog? Napailing siya. Matagal niya ng napapansin na hirap talaga itong matulog. Minsan ay naaawa na rin siya dito.
Isang beer can lang ang dinala niya para hindi na ito masobrahan sa pag-inom. Nang makarating sa kuwarto nito ay walang paalam na binuksan niya ang pinto niyon.
“Thaddeus—” nanlaki ang mga mata niya at napasigaw nang makitang naka-boxer shorts na lang ito. Aktong tatanggalin pa nito iyon pero napatigil ito dahil sa kanya. Napababa ang tingin niya sa boxer shorts na suot nito at malakas na napatawa.
Paano ba namang hindi siya matatawa? Ang design lang naman ng suot nitong boxer shorts ay si Spongebob! Nakita pa niya ang pagkunot ng noo nito.
Napatigil siya sa pagtawa nang makalapit ito. Iniiwas niya ang tingin sa katawan nito. Gosh, he was hotter than she thought. Kung hindi lang talaga sa Spongebob boxer shorts nito ay baka kung saan na napunta ang isipan niya.
“Bakit ka tumatawa?” tanong nito, yumuko ito at tiningnan ang suot na boxer shorts. “Dahil kay Spongebob?”
Tumingin siya dito, hindi niya nagawang pigilan ang ngiti sa mga labi. “Bakit kasi ganyan ang design ng boxers mo? Para kang bata,” napailing siya at muli na namang napatawa. “Hindi ako makapaniwalang pumupunta ka sa firm mo ng nakasuot ng ganyan.” Gusto niya ng maglupasay sa katatawa sa naisip. Pumupunta rin ba ito sa korte ng ganoon ang suot?
“Bakit? Hindi naman nila ako huhubadan doon, ah?” ngumiti ito. “Actually, ikaw pa lang ang nakakakita ng boxer shorts kong ganito,” inilapit nito ang mukha sa kanya at bumulong. “Alam mo bang lumalaki ang mukha ni Spongebob dito minsan? Gusto mo bang makita ‘yon?”
Nanlaki ang mga mata niya sa ibig nitong sabihin. This man was really a big pervert! Naiinis niya itong hinampas sa dibdib. Isang pagkakamaling hindi niya dapat ginawa. The feel of his hot skin on her palms sent tingling sensation throughout her whole being. Mabilis niyang inilayo ang sarili dito. Ano bang nangyayari sa kanya? Nahahawa na rin ba siya sa pagiging pervert nito? No way!
Iniabot niya dito ang hawak na beer can. “Ito na ang iniutos mo,” sabi niya.
Kinuha nito ang beer can at hinila siya paupo sa malaking kama nito. Akmang tatayo siya nang pigilan siya nito.
“Thaddeus, ano ba?” tiningnan niya ito ng masama. She needed to be alert. Baka kung ano na naman ang manakaw ng lalaking ito sa kanya.
“I just want you to see this,” sabi nito at hinila ang kumot na nakataklob sa kama nito.
She automatically smiled when she saw his Spongebob bed cover. Napailing siya. “Hindi ka naman mahilig kay Spongebob?” natatawang puna niya.
Nagkibit-balikat ito. “I like Spongebob, really. Hindi nakakasawang panoorin ‘yon. Iyon lang ang stress reliever ko, sinusubaybayan ko iyon palagi sa T.V. lalo na kapag bagong episode.”
He was so childish. Malapit na itong mag-thirty pero parang hindi pa ito nagma-mature.
“Though most of the times, the episodes are utterly nonsense, I still enjoyed it,” pagpapatuloy nito. “May natututunan din ako doon. Like claustrophobia, sabi ni Spongebob takot daw iyon kay Santa Claus,” tumawa pa ito ng malakas.
Napailing siya. “Iyan ba ang mga natututunan mo diyan?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Patuloy lang ito sa pagtawa. “Of course I know what claustrophobia is, it is the fear of being in closed or narrow places. It’s just that it’s wonderful that those kinds of Spongebob’s nonsense make people smile. I really want to be like Spongebob, parang walang problemang iniinda sa buhay.”
Ngumiti siya. “You are like him,” sabi niya. “Minsan parang hindi ka lawyer kung umasta.” Yes, he was really like Spongebob. Funny, always smiling at minsan nonsense din ang mga sinasabi. Pero mas maayos naman ang ganoon dahil nagiging dahilan iyon ng kasiyahan ng mga taong nakapaligid dito.
Looking at him now, para itong isang bata na walang problema sa mundo pero alam niyang marunong din itong mag-seryoso sa buhay.
“Pero hindi ang itsura, ha?” sabi pa nito. “Hindi ko pa rin ipagpapalit ang guwapo kong mukha sa isang sponge,” pagyayabang na naman nito.
Napabuntong-hininga siya. Mukhang hindi na talaga nito magagamot ang kayabangan nito. Tumayo na siya at nagpaalam dito. Hindi naman sa ayaw niya ng makipag-usap dito pero talaga lang lihim siyang naiilang na makitang naka-boxers lang ito. Siguradong kapag nagtagal pa siya dito ay maglalaway na siya sa katawan nito. Ayaw niyang malaman nito ang bagay na iyon.
Napatigil siya sa paghakbang nang muli itong magsalita. “Let’s watch Spongebob together, may daily routine ako ng panonood noon tuwing gabi,” yaya nito.
Napangiti siya at napailing. “Ang tanda na natin, Spongebob pa ang panonoorin natin ng sabay?”
“We’ll never be old to watch it,” ngumiti ito. “Sige na, siguradong mag-e-enjoy ka,” sumulyap ito sa orasan na nasa bedside table nito. “Thirty minutes palabas na iyon sa T.V,” ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Gusto mo bang dito sa kuwarto manood o sa living area?”
Napaisip siya. Hindi niya naman ito matatanggihan, amo niya pa rin ito. “Sa living area na, magbihis ka na rin,” aniya.
Ngumisi ito. “Does this boxer bother you?” tudyo pa nito. “Gusto mo bang tanggalin ko? Huwag kang mag-alala, hindi ka naman madi-disappoint.”
Ramdam na ramdam niya ang matinding pag-iinit ng mukha sa sinabi nito. Aba’t lumalala na talaga ang panunudyo sa kanya ng lalaking ito! Marahas siyang bumuntong-hininga at tiningnan ito ng masama. “Keep that in your Spongebob boxers, Arzadon. Hindi ako interesado,” iyon lang at tinalikuran niya na ito.
Pakinig niya pa ang malakas na pagtawa nito. Nagdadabog siyang lumabas ng kuwarto nito at tumungo sa sariling silid. She went straight to the bathroom and calmed her burning irritation for that Spongebob man.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now